Family Feud, tuloy sa pagpapaulan ng papremyo!

Dingdong Dantes

MANILA, Philippines — Hindi lang celebrity players at home vie­wers ang panalo dahil pati ang studio audience, may chance na ring mag-uwi ng cash prize sa Family Feud!

Simula kahapon (Aug. 21), kasali na rin sa papremyo ang live studio audience. Pipili si Kapuso Primetime King at Family Feud host Dingdong Dantes ng isang player sa audience na huhula sa natitirang survey answers sa board. Kapag tama ang sagot, mag-uuwi ang audience member ng P5,000!

Bukod diyan, tuluy-tuloy rin ang pamimigay ng blessings sa home viewers sa pamamagitan ng Guess to Win Promo. Dapat ding abangan ang mga star-studded families na maglalaro araw-araw.

Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes tuwing 5:40 p.m. sa GMA 7.

Show comments