Super Radyo at Barangay LS, umangat!

MANILA, Philippines — Ang Super Radyo DZBB 594, ang Kapuso Network’s flagship AM radio station, ay mas pinalawak ang lamang sa mga kakumpetensya. Ipinapakita ng datos mula sa Nielsen Radio Audience Measurement (RAM) na ang audience share ng Super Radyo DZBB ay tumaas mula 38.7 percent noong June hanggang 41.6 percent noong July.

Ang flagship FM radio station naman ng GMA Network na Barangay LS 97.1 Forever! ay nagpakitang gilas din noong Hulyo na ayon sa datos ng Nielsen RAM, tumaas ang audience share nito mula 53.2 percent noong Hunyo hanggang 55.6 percent noong Hulyo.

Maaaring makinig sa Super Radyo DZBB 594 kHz at Barangay LS 97.1 mula Lunes hanggang Linggo.

Available rin ang Super Radyo DZBB programs sa Facebook Live at mula 5:30 a.m. hanggang 9:00 a.m. sa YouTube (@dzbb594). Ang mga piling programa ng DZBB ay maaari ring mapanood sa GTV mula 5:30 a.m. hanggang 9:00 a.m.

Show comments