^

Pang Movies

Amy, iniyakan ang pagbukod ng anak!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Amy, iniyakan ang pagbukod ng anak!

Hindi napigilan ni Amy Perez na ma­ging emosyonal nang mapag-usapan ang tungkol sa anak na si Adi at ang naging personal niyang karanasan nang sa unang pagkakataon ay mahiwalay sa kanya ang panganay dahil kailangang tumira na malapit sa papasukang unibersidad.

Single parent kasi si Amy noong itinaguyod si Adi na anak niya sa singer at ex-husband na si Brix Ferraris.

“Drum-drum ang iniyakan noon, ‘di ba? Parang lahat ng tanong niya, lahat pilit mong binibigyan ng sagot. ‘Hindi, anak, ‘di ba dito mas okay? ‘Di ba dapat ganito, ganyan?’ Pero at one point bilang isang nanay, parang it was the hardest thing to accept na i-let go mo siya,” sabi niya.

Sa kabila ng ganoong sitwasyon, kailangang nandoon pa rin ang mga magulang para gabayan ang kanilang mga anak kahit malayo sila.

“Iyon ‘yung greatest sacrifice ng mga magulang. ‘Yung i-let go ‘yung anak, hayaan na lumipad, mag-grow. Pero kung magkamali man nandoon pa rin ang magulang. Nandoon pa rin ang nanay,” sabi niya.

Sa paglipas ng panahon, natanggap na rin umano niya na kailangan din niyang bigyan ng laya ang anak.

At natutuwa siya sa kanyang sarili dahil nakikita na niya ang magandang bunga ng mga paalala niya sa kanyang anak na naging masunurin naman sa kanyang mga pangaral.

“Ngayon kapag nakikita ko, I’m very proud na nakikita ko siya na ‘yung mga dati palang binubunganga ko na ‘dapat ganito, dapat ganito ginagawa mo maayos siya. Okay siya at namumuhay siya nang tama nang hindi siya nakakaabala ng ibang tao and regular pa kaming nagkikita,” pagbahagi ni Amy.

vuukle comment

AMY PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with