Sen. Robin, inokray-okray sa pagpipilit sa sexual rights
MANILA, Philippines — Inokray-okray ng netizens si Sen. Robin Padilla nung pag-usapan sa Senate hearing ang tungkol sa pagtatalik ng mga mag-asawa na sakaling ayaw ni misis, ano ang gagawin ng mister. Ang katwiran ni Sen. Robin dapat ay may‘sexual rights.’ “Halimbawa po Atty. (Lorna Kapunan). Siyempre, hindi mo maiaalis sa mag-asawa na ang paniwala, lalo kami, ako, meron kang sexual rights sa asawa mo e.
“So, halimbawa hindi mo naman pinipili e kung kailan ka ‘yung in heat ano? So, papano ‘yun, ‘pag ayaw ng asawa mo, so wala kang ibang paraan talaga, para maano ‘yung lalaki? So, paano mambabae ka na lang ba, e di kaso na naman ‘yun. So ano na naman ‘yun… ano ang puwede mong sabihin sa asawa mo na wala sa batas, paano naman ako? Wala ka sa mood, paano ako nasa mood. Paano ako na puwede niyang gawin na nasa batas na wala naman siyang…wala kaming choice bigla, ganun na lang, matulog ka na lang? Ganun?”
Kaya’t ipapaliwanag ni Atty. Kapunan na ito ay psychosocial at hindi legal issues.
Pero nangatwiran ang senator / aktor na legal na usapin ito. At sinabi pa niya na walang violence roon, hindi rin lasing, out of urge lang daw. “Counselling po ang kailangan diyan o magdasal na lang kayo. Iko-correct ko lang… manood na lang kayo ng Netflix o ng Koreanovela,” resbak niAtty. Kapunan.
Ayun, nag-trending na ang senador / aktor at maging ang misis niyang si Mariel Rodriguez.
Maaalalang noong 2021 ay inamin ni Mariel na hindi pa rin sila natutulog sa isang kwarto ng mister na hindi pa senador noon.
Matatandaang nabanggit nina Robin and Mariel noong 2019 na hindi na sila natutulog na magkatabi dahil ang paliwanag nila ay nagpapa-breastfeed nga raw si Mariel sa anak nilang si Gabriella at dahil dito ay laging nagigising si Binoe.
- Latest