Wow, silver wedding anniversary na pala ni Manny at Jinkee Pacquiao.
Imagine, ganun na sila katagal. Sa kabila ng mga pang-iintriga sa kanila noon, nalampasan nilang lahat ‘yun.
Parang kailan lang nang iugnay si Manny sa ibang mga babae pero hindi sumuko si Jinkee, inilaban niya ang sa kanya.
Kasi kung sumuko nga naman siya, ‘di sana hiwalay na sila at wasak ang kanilang pamilya. At sana hindi nila ini-enjoy ang mga pinaghirapan ni Manny.
Importante talaga na matibay sa pagsasama ng isang mag-asawa ang misis. Na hindi basta-basta nadadala sa mga intriga lalo na sa sports at showbiz na malakas ang temptation at matindi ang mga intriga.
Kaya congrats Manny at Jinkee sa inyong 25th wedding anniversary.
Tiyak na wala nang pwedeng magpahiwalay sa kanila. At kung magkakaroon ng pagsubok, magiging maliit na bagay na lang ‘yun sa kanila.
Bongga talaga si Jinkee. Winner.
Sana rin ay ganito ang maging kapalaran ni Manny sa pagbalik niya sa Senado sa 2025.
Maugong nga ang balita na tatakbo ulit siyang senador.