Ituloy pa kaya ni Michele Gumabao ang planong acting career ngayong engaged na siya? Inalok na nga ang volleyball superstar ang at former beauty queen ng kasal ng PBA conditioning coach na si Aldo Panlilio.
Naganap ang engagement nila sa Tokyo, Japan nung sila ay nagbakasyon.
Kamakailan lang ay nakausap nga namin si Michele at decided na siyang mag-showbiz after 10 years. May mga plano na siya actually.
Like sino bang gusto niyang makatrabaho if ever na may chance?
“Siguro po talaga like sinabi ko naman po, gusto ko maka-partner si Papa P (Piolo Pascual) talaga kasi timeless talaga ‘yung look ni Papa P for I don’t know and every time nakikita ko siya sobrang fresh, ang bango-bango,” chika niya sa amin.
So hindi mo crush si Papa P, pabirong tanong namin.
“Crush ko si Papa P, of course. I think marami namang girls nagsi-share ng sentiment na ‘yun.”
Na-meet mo na si Papa P? “Na-meet ko na po siya pero work lang.
Kinilig ka? “Opo. Nakakahiya.”
Aware siya na crush mo siya? “Ay hindi po! Hindi niya alam. Siguro sa iba ... sino ba mga crush ko sa showbiz. Ahhh Jericho Rosales, yes.”
At willing pa raw siyang magpa-sexy sana. Pero of course iba na pag enaged na.
“Siguro okay naman po ako sa sexy huwag lang bold parang ganon. Hindi ko po kaya talaga ng sobrang daring role. That’s for sure. Pero if sexy role, open naman ako pero may limitations po talaga.”
‘Action’ project ang choice niya if ever na bibigyan siya ng option na mamili ng gagawing teleserye o pelikula.
Bahagi na ng industriya ang kanilang pamilya – just like her brother Marco Gumabao who already made a mark as an actor, her half-brother Paolo Gumabao debuted naman as a Vivamax artist years ago, not to mention her father na isang pastor, Dennis Roldan, who was also a former actor, na nanatili pa ring nasa piitan.
Under the management of Joel Roslin si Michele who is also the manager of Jose Manalo and Wally Bayola.
Korina, napabalik ng bilyonaryo
Opisyal na palang ini-launch ang Bilyonaryo News Channel (BNC). Sila ang napapanood sa dating Studio 23.
Maghahain umano ang BNC ng mga bagong panoorin sa publiko tulad ng comprehensive coverage ng mga national issues, politics, lifestyle and sports.
Halata ngang pinaghandaan ang BNC dahil bongga ang line-up nila ng veteran journalists and media personalities sa pangunguna ni Korina Sanchez na muling nagbabalik sa news arena matapos ang halos 10 taon.
Matatandaang matapos umalis sa TV Patrol in 2015 ay nag-focus si Korina sa lifestyle programming tulad ng Rated Korina (airing on TV5, A2Z, and Kapamilya Channel) and Korina Interviews (on Net 25).
Ang kanyang move sa BNC ay senyales nga ng kanyang significant return sa kanyang pinagmulan, news and public affairs.
Sa kanyang Instagram ay nag-post na si Korina ng teaser ng BNC at aniya sa caption, “And now… Back to the news.”
Mainit namang tinanggap ng netizens ang pagbabalik ni Korina Sanchez.
Makakasama ni Korina sa bagong lunsad na ang network ang iba pang kilalang media figures, tulad ni former CNN Philippines senior anchor Pinky Webb at ang mga dating ABS-CBN News Channel personalities na sina Marie Lozano and Maiki Oreta.
Kinuha rin nila ang serbisyo ng lawyer na si Karen Jimeno na dating undersecretary for disaster resilience under President Rodrigo Duterte. Siya pala ang hahawak ng public affairs programming ng network.
Kasama rin sa line-up ang dating Newsfeed anchor na si Mai Rodriguez at ang sports commentator and anchor Paolo del Rosario.
Bigatin ang line-up ha kaya inaasahang gagawa agad ng sariling marka ang BNC sa Philippine media landscape.
Ang BNC ay pwede nang mapanood on free TV Channel 31 and on cable via Cignal Channel 24.