^

Pang Movies

Annabelle, inaming updated si Mother Lily sa nangyari kina Richard at Sarah

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Annabelle, inaming updated si Mother Lily sa nangyari kina Richard at Sarah
Annabelle Rama.
STAR/ File

‘Kaaliw ang eulogy ni Annabelle Rama para kay Mother Lily Monteverde sa huling gabi ng burol nito held last Friday sa Valencia.

Ayon kay Bisaya, nagkakilala sila ng Regal matriarch bago pa man siya nagkaroon ng pamilya. Kinukuha raw siyang artista noon ni Mother at gusto siyang gawing sexy star.

Sinabi niya raw kay Mother na kapag si Eddie Gutierrez ang partner niya, kahit anong bold pa ‘yan ay gagawin niya.

As we all know, sandali lang naman ang itinagal ni Annabelle sa showbiz bilang artista dahil pumunta siya ng Amerika nang mabuntis siya ni Eddie.

Muling nagkrus ang landas nila nang may pamilya na siya dahil kinuha raw ni Mother bilang Regal babies ang kanyang mga anak.

“Lagi kaming nag-aaway ni Mother sa billing, sa kontrata, sa tseke at saka sa promo,” kwento ni Annabelle.

Kaya naman sinasabihan daw siya lagi ng producer na mukhang pera. Away-bati raw talaga ever since ang relasyon nila hanggang sa dumating din naman ang time na nagkahulihan na sila ng ugali at nagkasundo na rin.

Umabot pa sa puntong inalok siya ng pelikula ni Mother Lily kaya ginawa niya ang My Monster Mom in 2008.

Naging mag-best friend na raw sila later on at laging magkasama’t mahal na mahal daw ni Mother Lily ang kanyang mga anak.

Nang magkaroon ng sakit ang Regal matriarch ay lagi raw itong tumatawag sa kanya at humihiling na dalawin siya.

Pero ayon kay Bisaya at hindi raw siya nakadalaw dahil ayaw niyang makita ang kaibigan na nakaratay sa kama.

“Ayoko siyang makita talaga. Umiiyak na lang ako sa kanya ‘pag tinatawagan niya ako, mahinang-mahina ang boses niya,” kwento ng Gutierrez matriarch.

Pero kahit may sakit daw si Mother ay alam daw nito na naghiwalay na ang kanyang anak na si Richard at misis nitong si Sarah Lahbati. Tinanong daw siya nito kung bakit pumayag siyang maghiwalay ang mag-asawa.

“Wala tayong magawa, Mother. Kasi ‘yung isa, gusto namang iba siguro, ang isa naman, ayaw naman niya ‘yung… Ah basta, hindi sila magkasundo,” ang sabi raw niya kay Mother tungkol sa hiwalayan nina Sarah and Richard.

Kahit hindi raw siya nakadalaw sa produ­cer noong may sakit ito ay ipinagdasal naman daw niya ito, ganundin ang manugang na si Alexa Gutierrez na kamakailan ay pumanaw rin dahil sa leukemia.

“Alam ko, nagtatampo siya sa akin. Pero andito ako ngayon, dumalaw sa kanya, Roselle (anak ni Mother Lily), tatlong araw na ‘ko dito,” sey ni Bisaya.

vuukle comment

ANNABELLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with