^

Pang Movies

Therese evicted sa Bahay ni Kuya, dalawang bagong housemates pinakilala na

Pang-masa

MANILA, Philippines — Opisyal nang nakabalik sa outside world ang “Determined Daughter ng Camarines Sur” na si Therese Villamor matapos maunang mapalabas sa bahay ni Kuya sa nagdaang live eviction night ng Pinoy Big Brother Gen 11 nitong Sabado.

Si Therese ang may pinakakaunting nakalap na combined votes to save at evict, with 16.22%, habang ligtas naman sina Dylan Yturralde (40.06%) at Noime Steikunas (22.57%).

Sa kabila ng kanyang maagang pag-alis sa bahay ni Kuya, baon umano niya paglabas ang saya at mga leksyong natutunan bilang housemate.

Samantala, inanunsyo kamakailan ang dalawang bagong housemates na sasabak din sa PBB Gen 11, na sina “Prodigal Bai ng Cebu” Jan Silva at ang “Anakabogerang Influencer ng Mandaluyong City” Fyang Smith.

Pinakilala na rin ang limang nominadong haharap naman sa double eviction sa darating na Sabado (Agosto 10) na sina Marc Nanninga Jr., Kolette Madelo, Kanata Tapia, 2-in-1 housemates Dingdong Bahan at Patrick Ramirez, pati muli si Dylan Yturralde.

Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong housemate na nais nilang ma-save o evict, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.

Sa pagpapatuloy ng kanilang paninirahan sa bahay ni Kuya, hangad muli ng housemates na maipagpatuloy ang kanilang pagkapanalo matapos silang magpunyagi sa kanilang Pinoy Big Babies weekly task.

Pero sa pagdating ng bagong housemates na sina Jan at Fyang, ano kaya ang mga task na naghihintay sa kanilang pagpasok? At sinu-sino naman kina Marc, Kolette, Kanata, Dingdong/Patrick, at Dylan ang susunod kay Therese sa outside world?

Abangan sa Pinoy Big Brother Gen 11 tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 p.m. sa TV5.

vuukle comment

PINOY BIG BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with