^

Pang Movies

Panghahalay kay Sandro, iimbestigahan sa Senado

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Panghahalay kay Sandro, iimbestigahan sa Senado
Sparkle artist Sandro Muhlach
Sandro Muhlach via Instagram

Dalawang magkasunod na araw last Thursday and Friday na nasa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-amang Niño Muhlach at Sandro Muhlach kasama ang legal counsel ni Sandro na si Atty. Czarina Quintanilla-Raz kung saan sila nag-file ng criminal case against the two ‘independent contractors’ ng GMA, ang creative consultant at head writers ng maraming serye ng Kapuso Network na sina Jojo Nones at Richard Cruz na gumawa umano ng ‘kahalayan’ sa young artist na si Sandro Muhlach, panganay na anak ng dating child wonder, ang actor-comedian at entrepreneur na si Niño Muhlach.

Naglabas na rin ng official statement ang ama ni Sandro na si Niño na may ilang araw ding nanahimik at hinintay ng media, netizens at publiko in general ang kanilang panig.

Napag-alaman din namin na nakatakda umanong magkaroon ng senate inquiry ngayong Lunes, Aug. 5, sa kasong kinasangkutan ni Sandro at dalawa nitong perpetrators na pamumunuan umano nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Robin Padilla.

Nakatakda umanong mag-deliver ng privilege speech si Sen. Jinggoy habang si Sen. Robin naman ang mamumuno ng imbestigasyon.

Since magkakaroon ng senate inquiry, tiyak na lalong mabubunyag sa publiko ang mga kaganapan na may kinalaman sa kaso.

Totoong na-trauma si Sandro sa nangyari kung kaya’t naging tahimik ang kanilang kampo at pamilya ng ilang araw while preparing for their legal move.

Samantala, marami ang nagsasabi na agad natabunan ang viral video scandal na kinasangkutan ng actor na si Mark Anthony Fernandez, anak ng yumaong action star na si Rudy Fernandez at actress-politician na si Alma Moreno nang lumabas ang kontrobersya kay Sandro Muchlach.

FranSeth, mas inuna ang pamilya

Alam mo, Salve A., isa kami sa natutuwa sa mga kabataang artista na marunong mag-set ng kanilang priority sa buhay even at a young age. Isa na rito ang Kapamilya young actor at dating PBB housemate na si Seth Fedelin na unti-unti nang natutupad ang mga pangarap for his family at para sa kanyang sarili.

Ang inuupahan at na-foreclose na tinitirahang bahay ni Seth (kung saan siya isinilang at lumaki) at ng kanyang pamilya ay nabili niya bilang regalo para sa kanyang parents. May nabili rin siyang lote (na malapit lang sa kanyang pamilya) na gusto naman niyang patayuan ng bahay for himself.

Barely six years in showbiz, marami-rami na ring gamit ang naipundar ni Seth at kasama na rito ang kanyang sariling sasakyan. Binilhan din niya noon ang kanyang ama ng sarili nitong motorsilko.

Although naging girlfriend ni Seth ang aktres na si Andrea Brillantes na tumagal din ng dalawang taon when they were both in their teens, nauwi ang kanyang attention kay Francine Diaz na kanyang ka-loveteam (at girlfriend?) ngayon at dito nabuo ang FranSeth.

Tulad ni Seth, natulungan din ni Francine ang kanyang pamilya.

Marven, naka-take off na

Kung ang ABS-CBN at GMA ay may mga bini-build up na loveteams, matagal na itong ginawa ng Viva na ang pinakabago ay ang tambalan ng magkasintahan na ngayon na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo na nabuo nang kanilang gawin ang hit university book series na The Rain in España na siyang nag-launch ng kanilang tambalan bilang magka-loveteam.

Ngayong established na ang loveteam nina Marco at Heaven (MarVen), tinayaan naman ng Viva ang tambalan nina Krissha Viaje at Jerome Ponce (KrisshRome) in Safe Skies, Archer at kasunod na rito ang launching TV series nina Gab Lagman at Hyacinth Callado (HyGab) sa Chasing in the Wild na lahat ay hango sa university series book ni Gwy Saludes.

It was Viva who started the loveteam of Sharon Cuneta and Gabby Concepcion na nauwi sa kanilang  maagang pagpapakasal at pagkakaroon ng anak na si KC Concepcion.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with