Kim, nagtatakbo!
Kinaaliwan si Kim Chiu sa video na post kung saan, nagmamadali siyang maglakad dahil male-late na siya sa opening ng It’s Showtime. Sa ABS-CBN compound ‘yun na semento ang nilalakaran at kung naka-heels ka at naka-fitting ang dress, mahihirapan kang maglalakad na nagmamadali.
May kasamang isang girl si Kim na umaalalay sa kanya sa paglalakad at ito man ay nagmamadali rin. Kulang na lang, kaladkarin nito ang leading lady ni Paulo Avelino para makaabot sa opening ng show.
Biglang maririnig sa video ang sinabi ni Kim na hindi na niya kaya, kasunod noon, hinubad ang sapatos, binitbit at tumakbo na papasok sa studio. Nagulat ang security guard nang makitang naka-paa na tumatakbo si Kim habang bitbit ang sapatos na in fairness, hindi ipinahawak sa kanyang kasama.
Hopefully, nakaabot sa opening ng show si Kim at nagbunga ang paghubad niya sa suot na sapatos at pagtakbo nang naka-paa. Dahil doon, pinuri si Kim, hindi raw ito maarte dahil minabuting hubarin ang sapatos para hindi na mahirapan pang maglakad.
Alden, namigay ng burger at tubig
Isa si Alden Richards sa nag-extend ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Carina at mga taga-Tanza, Navotas. Nag-donate ang Kapuso actor ng 1,000 burgers and portable water na ipinagpasalamat ng mga nabigyan.
Hindi lang mga bata ang pumila, pati matatanda at sila man ay nagpasalamat kay Alden.
May mensahe si Alden tungkol sa naibigay niyang tulong. “Masaya akong makapagpadala ng tulong para sa mga biktima ng Carina.”
Samantala, ang ganda ng review sa acting ni Alden sa Pulang Araw at sa pilot episode pa lang, minahal na ng viewers ang karakter ni Alden na si Eduardo dela Cruz. Masaya nitong lumipad ang aktor pa-Canada kahapon knowing na nagustuhan ang historical drama series ng GMA 7.
- Latest