^

Pang Movies

Socialite na insensitive, dapat magpa-lecture kay Nanette Medved

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Socialite na insensitive, dapat magpa-lecture kay Nanette Medved
Nanette

Hindi napigilan ng aktres na si Bela Padilla na magkomento sa sinabi ng isang socialite na hindi ko kilala.

Dismayado raw si Bela sa sinabi nito sa video kung saan maririnig ang pagtatanong nito sa kanyang yaya kung maaari bang mag-floatie ang mga anak niya na namamangha sa gitna ng baha na dulot ng Typhoon Carina.

Nag-viral ang nasabing video na hindi nagustuhan ng netizens at isa si Bela sa mga nag-react dito.

“You see people risking their lives for their loved ones and your question is if you and your kids can use a floatie here? Come on,” post ng aktres sa social media.

“Could’ve been a nice teaching moment for your kids, but (shrugging emoji),” dagdag pa nito.

Walang binanggit na pangalan ang aktres pero nag-viral ang TikTok video ng socialite na si Cat Arambulo-Antonio dahil sa pagiging out of touch daw nito.

‘Di ba raw nito alam ang sakit na leptospirosis na hindi inisip ng mga rescuer upang makatulong sa ibang tao?

Masyado raw ito naging insensitive sa sinabi nito na tinuring na tila beach ang nangyari noong bagyo kung saan maraming Pilipino ang naging biktima ng baha at namatay.

Well, hindi ko kilala ang socialite na ito.

Hahaha. Kaya ang tanong ko, kung sikat siya at totoong madatung ba’t di ko siya friend? Joke lang.

Pero sa totoo lang, hindi ganyan ang attitude ng mga rich Asian friends ko ha. Mababait sila at down to earth.

Kahit itanong niya pa kay Nanette Medved.

Pak.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with