^

Pang Movies

Ruru, naka-jackpot

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ruru, naka-jackpot
Ruru

Magtatapos pa lang ngayong Friday ang Black Rider, may kasunod na agad na project si Ruru Madrid. Kabilang siya sa makakasama ni Dennis Trillo sa MMFF entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Green Bones.

Excited nito si Ruru dahil first time niya yatang makakatrabaho si Dennis at sa direction pa ni Zig Dulay. Kasama rin sa cast sina Sofia Pablo, Ronnie Lazaro, Royce Cabrera, Kokoy de Santos, at Kylie Padilla.

 Si Angeli Atienza na creator at writer ng Firefly at ang National Artist na si Ricky Lee ang susulat ng screenplay at story ni JC Rubio.

Hindi pa man dumating ang dream project ni Ruru na makagawa ng action movie kasunod sana ng Black Rider, maganda pa rin ang sisimulan niyang pelikula. Bonus din na entry ito sa 50th Metro Manila Film Festival.

Dennis Padilla, sinisingil ng utang sa credit card

Marami ang naki-agree kay Dennis Padilla sa post nito patungkol sa credit cards na kahit bumabagyo ay naniningil.

“Sa mga boss ng Security Bank Kindly tell your agents to stop texting & calling sa mga clients para maningil sa credit cards... Palipasin natin ang Bagyo!! Help victims Pls!”

Kung may mga nag-agree sa post/pakiusap ni Dennis, may mga nag-comment naman sa online magbayad si Dennis kung hindi siya personal na makakapunta sa bank to pay his credit card. May comment pa na nakakahiya ang tatay ni Julia Barretto at may nangantyaw pa na hindi siya nagbabayad ng credit card.

It turned out na hindi naman pala credit card ni Dennis ang kanyang ipinakiusap, kundi credit card ng kaibigan niya. Napakiusapan siguro nito si Dennis na tulungan siyang manawagan sa nasabing bangko dahil mas kilala kesa sa kanya ang actor. Tama naman dahil ang daming nag-react kahit ‘yung mga hindi alam ang buong istorya.

Alden, may bagong fastfood

Magkakaroon na ng second branch ang fastfood nina Alden Richard and his family dahil kahapon, ginawa ang groundbreaking nito.

Pinost ng dad ni Alden na si Richard Faulkerson Sr..

Sa lugar na nina Alden ang second branch ng kanilang pag-aaring fastfood dahil ang first branch nito ay sa Bi?an, Laguna.

Speaking of Alden, sa July 27, na raw ang lipad nito pa-Canada para sa shooting nila ni Kathryn Bernardo ng Hello, Love, Goodbye. Nauna nang lumipad si Kathryn noong July 23 at may nakita kaming photos na kabilang sa sumalubong sa kanya ay ang KathDen fans nila ni Alden.

RURU MADRID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->