^

Pang Movies

Celine, binayaran ng milyun-milyong dolyares sa Paris Olympics

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Celine, binayaran ng milyun-milyong dolyares sa Paris Olympics
Celine Dion

Kahit na nakikipaglaban sa sakit na stiff-person syndrome, pumayag si Celine Dion na mag-perform sa 2024 Olympics in Paris, France.

Sey ng Canadian music legend, aawit lang daw siya ng one song: “I’ve chosen to work with all my body and soul, from head to toe, with a medical team. I want to be the best I can be. My goal is to see the Eiffel Tower again!”

Ayon naman sa TMZ, ang ibabayad kay Celine ay $2 million: “That doesn’t include money for Dion to travel to Europe with her family. They’re paying a ton of money. Ridiculous amount!”

Diana, Maui at Aubrey, nakaiwas sa bashers

Nagpapasalamat sina Diana Zubiri, Maui Taylor at Aubrey Miles na hindi pa uso ang social media noong ni-launch sila bilang sexy stars ng New Millennium kaya walang nabuong rivalry sa kanila noong namayagpag ang sexy movies.

Ni-launch si Diana sa Seiko Films, si Maui sa Viva Films at si Aubrey sa Regal Films, kaya may kanya-kanya silang mga project at naging magkaibigan pa sila nung maging cover girls sila noon ng FHM magazine.

At dahil sa kanilang image, nasangkot sila sa iba’t ibang kontrobersya. Tulad ni Diana na nag-pose na naka-bikini sa EDSA-Shaw flyover na nauwi sa demandahan. Pero nagkapatawaran sila dahil nag-apologize si Diana at ang magazine.

Si Maui ay inusisa kung sino ang tunay na ama niya. Sinabi noon ni Maui na British ang tatay niya na naka-base sa London. Pero never niya itong napakitaan ng pruweba. Hanggang ngayon walang may alam kung sino ang tatay niya.

Si Aubrey naman ay natsismis na noon na may anak na, pero super-deny siya. Pero inamin din niya na may anak sila ni JP Obligacion named John Maurie na 26 years old na ngayon. Tinago raw niya ito dahil  sexy star siya.

Kung may social media na noon, tiyak na pinagsabong sila ng kanilang followers at naungkat na ang mga tinatago nilang mga sikreto.

Sikat na content creator, ginawa na lang biro ang baha

Nagpaka-good vibes na lang ang chef at food content creator na si Ninong Ry sa social media noong pasukin ng tubig ang bahay niya sa Malabon dahil sa bagyong Carina.

Sa kanyang social media post, pinost ni Ninong Ry ang hitsura ng loob ng kanyang bahay na abot tuhod na ang tubig. Dinaan na lang niya sa biro ang sitwasyon nila.

Birong post ni Ninong Ry, may bago siyang negosyo na Boy Baha Underwash Cleaning Services: “Mineral water ‘yung ginamit namin dun sa cleaning pool namin kaya maganda talaga. Kaya sa lahat ng interesado, click niyo nalang ‘yung mukha ko, baka may lumabas.”

Matindi ang dulot na pagbaha ng bagyong Carina habang sinusulat namin ito.

vuukle comment

CELINE DION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with