^

Pang Movies

Mr. M, hindi na nararamdaman sa GMA?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mr. M, hindi na nararamdaman sa GMA?!
Mr. Johnny Manahan

Nagalit pala ang asawa ni Nadine Samonte sa nangyari sa kanya sa GMA Gala na wala siyang pangalan sa mga upuan.

Diumano ay sinabi nito na “hindi kita pinayagang mag-artista ulit para bastusin lang nang ganyan.”

Hindi ganun kalaking star si Nadine, hindi naman siya nagpapanggap na big star, hindi naman siya nagpapa-VIP, ang sinasabi lang ng kampo niya, mali iyon at hindi tama ang ginawa sa kanyang treatment ng kung sino man sa kanila ang may kasalanan.

Walang apologies mula sa GMA, na siyang organizer ng affair, may nag-text daw sa kanyang isang “Jerome” na humihingi ng pasensiya sa nangyari.

Akala siguro nila kung sino lang si Nadine.

Baka ‘di nila alam na marami na ring nagawang pelikula at serye ang actress pero tahimik lang iyan at hindi masyadong active dahil nag-asawa na nga. Ang asawa ni Nadine na si Richard Chua ay anak ng aktres na si Isabel Rivas at may sariling negosyo si Richard, maganda ang buhay nila at kung tutuusin hindi niya kailangang mag-artista para mabuhay.

Pero tapos na ang isyu kumbaga. Walang umaamin ng kasalanan siyempre dahil baka akala nila, hindi nila kailangang mag-issue ng apology dahil hindi naman big star si Nadine.

Panget pa ang nangyari. Isang patunay ito na kung maliit kang artista, balewala lang ang ganung pangyayari.

At ang isa ko pa palang napansin, ba’t kaya parang wala si Mr. Johnny Manahan sa GMA Gala na ‘yun?

Asan si Mr. M? Ba’t hindi nakikitang kasama ng mga executive ng GMA 7?

Nasa Sparkle pa ba siya?

Mark Anthony, biglang sikat sa ‘porno’ community

Nagulat kami sa isang link na pinadala sa amin.

Iyon pala ang nababalitang scandal ni Mark Anthony Fernandez. Hindi namin kilala ang kasama niyang babae sa scandal pero hindi masasabing iyon ay kuha lamang sa isang pelikula, kasi hindi naman ganun kagarapal kahit na ang mahahalay na pelikula.

Isa pa, makikita mo sa video na inaayos nila ang cellphone na siyang nagre-record ng kanilang kahalayaan na ini-enjoy naman nila. Medyo may kalabuan pero may bahaging kitang-kita ang mukha ng actor at walang dudang si Mark iyon kahit na nakasuot pa siya ng dark sunglasses. Matindi ang mga eksena, lalo na iyong sa isang bath tub.

Hindi rin bahay iyon, mukhang sa isang hotel batay sa ayos ng kuwarto. Pero magugulat ka bakit gumawa pa ng ganoong scandal ang actor.

Kahit naman papaano ay makakakuha pa rin siya ng assignment. May nagawa na nga siyang pelikula sa Vivamax, pero hindi naman kasing halay ng kanyang sex video.

Siguro gusto niyang patunayan na kaya niyang gumawa ng mas matindi pa, mas mahalay kaysa sa kanyang ginawang Vivamax movie.

Or maaaring private video lang naman iyon, at siguro nga may nakakuha nakagawa ng kopya at ibinenta.

Ibinebenta iyan sa mga sex site sa internet at tapos may nakakopya niyan kaya nailabas sa social media.

Pero ‘yun nga, ang kawawa ay ang babae sa video na isang starlet pa lang.

Kailangan talagang mag-ingat na ang mga magulang sa pagpapagamit ng social media sa mga anak.

Nagkalat ang mga animo’y mga porno video.

Dapat maging maingat ang lahat sa kanilang ginagawang kaelyahan sa buhay.

‘Wag nang i-record.

Sino pa ang magbabayad para makapanood ng mga mahahalay na pelikula sa internet streaming kung may mga kilalang actor na gumagawa ng mga sex scandal na napapanood pa nang libre?

Pero ang isang napatunayan ni Mark, ang tindi ng appeal niya sa mga kabadingan dahil sa nasabing video.

Male starlet, ginagamit ang social media para kumita kaagad

May isa pang scandal kaming nakita, hindi pa naman sikat talaga ang male starlet na wala pang nagagawa kundi mga gay inspired series sa internet. Maikli lamang ang video nagse-self sex ang male starlet tapos itinapon niya iyon sa isang brief na nakalatag sa tabi niya.

Ang nakakatawa pagkatapos noon dinampot pa niya ang brief at iniabot sa kanyang niregaluhan na walang dudang kasama niya at kumukuha ng video.

Grabe, kanya-kanyang style ang mga mga starlet para magkaroon ng kita. Gamit na gamit din nila ang social media platforms.

Asan na ang moralidad. Ayaw na ba talagang magpagod ng iba para kumita, ginagamit nila ang katawan nila para sa mas madaliang hanapbuhay?

Wala na rin ba silang takot sa Diyos?

Kilabutan kayo sa mga ginagawa ninyo.

vuukle comment

JOHNNY MANAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with