Trending ulit si Heart Evangelista kahapon.
Yup, hindi pa man natatapos ang mga comment sa kanyang pagrampa sa GMA Gala 2024, heto at mas pinag-usapan siya sa kauna-unahang State of the Nation Address ni Senate Chiz Escudero bilang Senate president na kasamang naglakad ang global icon na misis sa red carpet sa Congress kahapon.
Simple lang ang outfit ni Heart, parehong white, na ang una ay two-piece modern white Filipiniana, gawa ni Michael Leyva, sa Opening ng Senate Session at ang second ay white gown din na simple pero elegante na gawa rin ng kaibigan niyang designer.
At nang tanungin si Heart tungkol sa nasabing outfit, mabilis ang sagot ng misis ng Senate President sa mga nag-interview na “Walang meaning yung outfit ko. At the end of the day, it’s not really about us.”
Ginawa ring big deal ng ibang netizens ang seating arrangement sa lumabas na photo na napagitnaan siya nina former President Gloria Macapagal-Arroyo at First Lady Liza Marcos.
Kanya-kanya silang gawa ng caption na ang iba ay nakakatawa.
Parang sign daw ata ‘yun na titira rin si Heart sa Malacañang.
Meron din namang tumawag sa kanyang ‘senorita’ dahil napapagitnaan siya ng dalawang ‘senyora.’
Parang nanay niya raw kasi sina PGMA at FL Liza.
Laging binabantayan ang susuutin ni Heart sa SONA umpisa nang maging misis siya ni Sen. Chiz.
Anyway, ang ganda rin ng dalawang outfit ni Rep. Lani Mercado kahapon. Kasama nga siya sa mga Best Dressed sa SONA.
Costumized barong ni Paul Cabral ang suot ni Sen. Bong Revilla at si Rajo Laurel ang may gawa ng second gown ni Rep. Lani.
Gumawa rin ang ingay ang ang presidential sister na si Sen. Imee Marcos sa kanyang isinuot para sa ikatlong taunang State of the Nation Address ng kanyang kapatid.
Dumating si Sen. Imee sa Batasang Pambansa Complex na nakasuot ng dark green sleeveless na may gold na headpiece. May gold accent din ang outfit niya sa harap at sa bewang.
Kinumpleto ng mahabang buhok na may tinirintas sa gilid ang kanyang buong hitsura. “Moro armor” daw ang inspirasyon niya sa nasabing outfit.
Marami namang nag-comment na parang siyang diwata. May nagsabi namang mala-Sanggre ang kanyang outfit.
Best Dressed din si Ormoc Mayor Lucy Torres kasama si Cong. Richard Gomez.
Bukod sa problema ng bansa at mga kailangang ayusin sa ating bayan, inaabangan tuwing may SONA ang mga susuotin ng mga pulitiko, celebrities at iba pang dumadalo sa taunang pagbubukas din ng Kongreso.
Zanjoe, may jr. na agad kay Ria
Dumating si Sylvia Sanchez sa annoucement ng five official entries (pinili sa 39 na ipinasang script) last week.
Hindi na siya umupo sa may unahan, sa likurang bahagi na lang ng Bulwagan ng Manila City Hall siya sandaling naglagi.
Nag-submit ang Nathan Studios nila, ang Topakk.
Probably Topakk 2 ito dahil nauna nang naipalabas sa maraming international film festival ang naunang Topakk starring Arjo Atayde and Julia Montes.
Pero ‘yun nga, hindi pa ito kasali sa listahan ng naunang official entries na base sa isinumiteng script ng mga producer.
Mas malaki nga this year ang MMFF na nagkaroon ng grand launching under the theme Sine Sigla sa Singkuwenta na ginanap sa Manila City Hall.
Tulad nga noong nakaraang taon, 10 movies ang magiging official entries this year.
Noong 2023 ay nag-decide silang gawing 10 entries dahil sa overwhelming na response ng mga local producer.
At kabilang ngang maglalaban-laban sa unang limang entries sina Vic Sotto, Piolo Pascual, Vice Ganda at marami pang iba.
Makakasama kaya ang bagong Topakk sa limang natitirang official entries?
Going back to Sylvia, nagpa-baby shower na nga ang magiging lola para sa first baby nina Zanjoe Marrudo and Ria Atayde.
Invited daw sa nasabing baby shower ang buong pamilya at malalapit na kaibigan ng mag-asawa.
Baby boy ang unang apo nila ng mister na si Art Atayde.
Makikita sa mga video na may sayawan at may pa-concert si Ice Sequerra.
Sa Instagram post ni Liza Diño ay kinumpirma rin niyang lalaki ang first baby na ipinagbubuntis ni Ria.
“It’s a boy for our baby sister Sophia Atayde. Patay kabirth month ni Ice ang magiging baby mo. Good luck! Hahaha. Lab yu sis!” sabi ni Liza sa caption ng larawan nila ni Ria na kuha sa party.
Sa Instagram Story naman ni Ria ay nirepost niya ang mga post ng mga kaibigan sa party.
Recently lang inamin nina Zanjoe at Ria ang tungkol sa baby nila kahit na nga malaki na ang tiyan ng aktres.
Jennylyn, nagkasakit?!
Nag-upload si Jennylyn Mercado ng video na naka-gown na may something black.
Umeeme-eme siya ng “Nandiyan si Crush... act normal. #modeling101.”
Perfect sana for GMA Gala Night. Pero hindi nga siya dun nakita.
Totoo bang nagkasakit siya o nagsakit-sakitan ba?
Aktor na diumano’y may konek sa POGO, mauudlot ang pagyaman!
Yari na nga ang mga POGO operator.
Tinapos nga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang mahigit 80 minutong State of the Nation Address (SONA) kahapon sa anunsyo ng kumpletong pagbabawal sa mga offshore gaming operator ng Pilipinas.
“Effective today, all POGOs are banned. I hereby instruct Pagcor (Philippine Amusement and Gaming Corporation) to wind down and cease the operations of POGOs by the end of the year,” aniya sa pasabog na pahayag sa SONA.
Kaya namang kabilang ang POGOs sa mga nangungunang trending topic sa X, dating Twitter, pagkatapos ng SONA.
Anyway, may ilan lang nag-worry dahil baka raw maudlot ang pagyaman ng isang actor na ‘di gaanong sikat dahil sa nasabing utos ni Pangulong Marcos.
May konek diumano ang negosyo nito sa POGO.
True kaya?