^

Pang Movies

Anak ni Nadia kay Baron, debutante na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Anak ni Nadia kay Baron, debutante na!
Nadia

Ngayon tuwiran nang inaamin ni Nadia Montenegro na si Baron Geisler nga ang ama ng kanyang anak na si Sophia na magde-debut na pala sa susunod na taon. Ipinagbuntis ni Nadia si Sophia nung nagsasama pa sila ng dating mayor Macario Boy Assistio at ayon naman kay Nadia, alam ng dating mayor ang katotohanan at desisyon noon na akuin si Sophia bilang isang tunay niyang anak.

Lumaki nga si Sophia na ang kinikilalang ama ay ang dating mayor, pero sinasabi ni Nadia na alam ng bata kung sino ang tunay niyang tatay. Hindi naman daw itinago iyon ni Nadia pero wala namang nagtatanong sa kanya, alangan nga namang siya pa ang magkalat na nabuntis siya ni Baron noong mga panahong iyon.

Wala namang problema iyan basta maayos ang kanilang pamilya. Tanggap naman ng mga kapatid niya si Sophia kahit na iba ang tatay noon, at ang mahalaga tinanggap at minahal din ng dating mayor si Sophia at itinuring na anak niya noong nabubuhay pa.

KathDen, super fake news

Kumpirmadong fake news ang KathDen. Para lang ding iyong AlDub noon. May sources na nagsabing ang talagang nanligaw kay Kathryn Bernardo matapos makipag-split kay Daniel Padilla ay si Jericho Rosales, pero butata rin daw iyon dahil may isang mas masigasig na manliligaw si Kathryn, pero non-showbiz daw.

Ayon sa aming source, medyo upscale ang manliligaw ni Kathryn. Mukhang hindi uubra sa kanya ang kung sinu-sino lang na ambisyosong bata pa pero may hawak daw na maunlad na negosyo at professional pa sabi ng aming source at pogi rin.

Male starlet, yumaman sa bakla

Iyon palang male star na matagal na ring inaalagaan ni direk at nakakatuwaan niyang napansin doon sa kanyang ginawang huling gay series ay nakaldag na naman pala ng iba. Ginawan na nga ng paraan ni direk na mailigwak ang isa niyang star na mukhang totoong nagkagusto sa kanyang kulukadidang boy, kaya siya nag-build up ng panibago.

Iba rin ang leading gay ng baguhang male starlet, pero walang kamalay-malay si direk na umi-score pala ang baguhan niyang gay star sa kanyang kulukadidang boylet. Nagkainuman daw, nagkatuksuhan, at hindi nagtagal nagpakita ng motibo ang male starlet na bago nilang bida at pinatos naman iyon ng kulukadidang ni direk, pogi naman kasing bading ang male starlet at saka madatung dahil sa mga nabobola niyang “sponsors” na matatandang bading na nagbigay sa kanya ng bahay at isang luxury car.

Mukhang nakita ng kulukadidang ni direk na mas magkakadatung siya sa male star na bading kaysa kay direk na mashonda na poor pa. Baka mas malaki pa ang kinita niya sa pagsama sa bading na male star ng isang gabi kaysa sa ibinayad sa kanya ni direk para sa buong gay series na ginawa niya eh.

Madatung si male starlet dahil kinababaliwan daw iyan ng isang dirty old gay dahil “napakagaling sumayaw ng ballet sa platito.” Iyon na!

vuukle comment

NADIA MONTENEGRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with