Andrea, ginutom ang sarili

Andrea Brilliantes.
STAR/ File

Bongga pala si Andrea Brillantes na nagdasal at hindi kumain ng limang araw.

Nag-fasting daw siya.

Wow, limang araw na hindi ka kakain?

Di ba parang lantang bulaklak ka na nun kung pulos tubig lang ang pwede mong inumin?

May nag-share nga sa akin ng Instagram story niya na kumakain ito pagkatapos limang araw : “my first ever meal after 5 days of prayer and fastingggg!!”

Ba’t kaya niya ginutom ang sarili ng halos isang linggo?

Nagbabayad ba siya ng kasalanan o may pinagdarasal siya?

Kaloka. Kung ako ‘yun, hindi ako tatagal ng limang araw na hindi kumakain. Mababaliw ako. Hahaha. Sa takaw kong ito.

Kaya pala parang wala akong masyadong nababalitaan sa kanya kasi nagdasal at nag-fasting siya ng limang araw.

Napapaisip ako, kasi hindi naman Mahal na Araw para siya mag-fasting at magdasal.

Dapat enjoy life lang, ‘wag gutumin ang sarili.

Hahahaha. Pakialamerang frog lang ako.

Show comments