^

Pang Movies

Sen. Robin, napapagkamalang Chinese?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Sen. Robin, napapagkamalang Chinese?!
Robin Padilla
STAR/ File

Noong isang araw lang namin napanood ang video kung saan nagtatanong si Robin Padilla sa mga opisyal ng Philippine Navy kung tama raw ba na sumali sila sa pagdadala ng supplies sa mga sundalo natin sa Ayungin Shoal. Hindi raw ba parang paghahamon iyon sa China dahil ang Navy ay bahagi na ng Sandatahang Lakas, hindi gaya ng Coast Guard na civilian in nature. Iyon naman daw mga barko ng China roon ay Coast Guard lamang bakit kailangang tapatan natin ng Navy, at bukod doon umaaligid pa ang mga eroplano ng US sa himpapawid. Iyon daw ay maaaring mag-udyok ng mas malaking gulo sa pagitan natin at ng China.

Si Robin Padilla ba ay senador ng China? Ang tanong ng marami at maging ako na rin. Kasi sa kanyang pangangatuwiran parang ang naririnig namin ay isang spokesman ni Xi Jing Ping.

Hindi naman natin maiaalis kay Robin na kumampi at bigyang proteksiyon ang interest ni dating Pangulong Duterte.

Sayang si Robin, isipin mong naging senador pa siya ng Pilipinas, pero sa kanyang ginagawa sa Senado parang hindi gaanong maka-Pilipino.

Willie, inunahan si Coco at Julia

Tuluy-tuloy ang pagbati ni Willie Revillame kay Coco Martin nung nagbigay ito ng video message para sa eereng programa ng una.

Pinuri ni Coco si Willie at ibinigay pa siyang isang magandang halimbawa. Sa kanyang pasasalamat ang sinabi ni Willie ay “salamat sa iyo Coco, kay Julia at sa inyong mga anak.”

Lumabas tuloy na ibinuko ni Willie ang matagal nang usapan ng pagsasama nina Coco at Julia at ang matagal na ring natsismis na hindi lang isa kundi dalawa na ang kanilang mga anak.

Kasi dapat ang sinabi “at sa anak ninyo” pero dahil sa ang pagkakasabi ay “at sa inyong mga anak, parang inamin na niya na may anak na sila.

Hindi lamang nila magawang aminin noon dahil sa takot na baka maapektuhan ang popularidad ni Coco. Pero ngayon mukhang wala na silang iniiwasan kaya nga mas visible sila nga magkasama ngayon.

Rayver at Julie Ann sa bagong gawang simbahan nagpa-planong ikasal

Talaga nga bang malapit nang lumagay sa tahimik sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose?

Narinig na rin namin iyan sa biruan ng isang taga-showbiz na malapit sa pamilya ni Julie Ann na nagsabi sa isa naming kaibigang  pari na “baka sa iyo pakasal sina Julie at Rayver’ na sinagot naman ng pari na teka muna, hindi pa tapos ang ipinagagawa kong simbahan.

Ang biruan pa nga noon, iyong isa raw tiyuhin ni Julie Ann na isang pari ay may sakit at medyo mahina na kaya malamang kung maghahanap sila ng pari na magkakasal sa kanila iyong kaibigan naming pari ang kakausapin nila.

Kaso half way pa lang ang ipinagagawang simbahan maaaring tumagal pa iyan nang mahigit na isang taon bago matapos pero suwerte nga kung sila ang unang ikakasal sa bagong tayong simbahan.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with