Maris, tinaob si Kathryn

Tinaob ni Maris Racal si Kathryn Bernardo, huh!

Imagine, may presscon si Maris upang i-announce na break na sila ng boyfriend na si Rico Blanco, huh!

Eh si Kath, inilabas na lang sa kanyang social media account na hiwalay na sila ni Daniel Padilla! Maging si Kim Chiu, social media ang gamit niya sa pagsabing hiwalay na sila ng BF na si Xian Lim, huh!

Pero si Maris, may pa-presscon! As if ang breakup ay isang bagay na dapat ipagmalaki huh!

Ay teka, may ipalalabas yatang movie si Maris. Makakagawa nga naman siya ng ingay!

Marian, lamang sa Cinemalaya

Cinemalaya season at next month, mapapanood na ang napiling entries!

Sa mga entry, lamang na lamang ang movie ni Marian Rivera na Balota sa lahat. Sa poster pa lang, malaking bentahe na ang paggamit ng marungis na Marian na hindi maayos ang kanyang hitsura, huh!

Nakita rin namin ang poster ng Regal movie na Love Child nina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Pati na rin ang ibang entries pero hindi namin masyadong kilala ang stars doon. Kaya ang Balota at Love Child na lang ang susuportahan namin!

Show comments