^

Pang Movies

Maxine, pinag-aaralan na ang panganganak!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Excited na si Maxine Medina sa pagdating ng first baby niya with husband Timmy Llana.

Nasa ika-eight month na sa kanyang pagbubuntis ang former Miss Universe Philippines at lahat daw ng nararamdaman ng isang buntis ay napagdaanan na niya.

“I’m at [eight] months now! Getting heavier and heavier, my appetite has doubled, and I’ve got the whole package: breast tenderness, unwanted dark spots, a rounder face, back pains, swollen legs, feet, arms, hands--you name it. But here’s the real deal: I can’t wait to meet my baby Zeke! I couldn’t be more excited!,” caption ni Maxine sa Instagram.

Nag-enroll din ang mag-asawa sa isang private childbirth class na Prepared Childbirth Class sa pamumuno ni former Bb. Pilipinas-Universe and Miss Universe 1975 4th runner-up, Ms. Chiqui Brosas. Kaya marami raw silang nalaman at paghahandaan kapag sinilang na si Baby Zeke.

Ken, dalawa ang karibal kay Jillian!

Wala pang nire-reveal si Jillian Ward kung sino ang magiging date niya sa GMA Gala 2024. May fans ang Sparkle teen star na may kanya-kanyang bet para maging date nito.

Dalawa nga sa bet nila ay ang co-stars ni Jillian sa Abot-Kamay Na Pangarap serye na sina Jeff Moses at Raheel Bhyria.

Sa Instagram Stories, makikita ang dalawang magkahiwalay na post niya na minamasahe ni Raheel ang isang kamay niya, habang si Jeff naman ay sinusuklay ang buhok niya. Caption pa ni Jillian: “Ang sweet ng leading men ko. Meet my masahista and my hairstylist.”

Mukha nga raw nagpapalakas ang dalawa para may mapili na siya. Pero mukhang may laban din sa dalawa si Ken Chan. May gagawin kasing pelikula ang dalawa at magkasama sila sa Sparkle World Tour 2024 sa Japan in September.

May the best man win…

Alec Baldwin, lusot sa shooting case

Na-dismiss ng judge ang lahat ng charges laban sa Hollywood actor na si Alec Baldwin in regards sa shooting case sa set ng pelikulang Rust sa New Mexico.

Hindi napigilan na maiyak ng aktor dahil kung sakaling na-convict siya, makukulong siya for 18 months for involuntary manslaughter sa 2021 shooting death of cinematographer Halyna Hutchins on the set of Rust.

Dahil sa key evidence na pinakita ng legal team ni Baldwin kaya na-dismiss ang lahat ng charges sa aktor.

vuukle comment

MAXINE MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with