Julie Anne, nakahanap ng katapat!

Julie Anne

Inamin ni Julie Anne San Jose na napag-uusapan na nila ng boyfriend na si Ravyer Cruz ang kasal.

Sa kanyang interview kay Nelson Canlas sa 24 Oras ay binahagi niya na masaya at kuntento siya sa relasyon nila.

Nasa happiest point daw siya ng kanyang buhay at nagtataka nga siya kung bakit hindi sila nag-aaway.

Nakikita raw niya ang sarili sa aktor at parang nakahanap daw siya ng katapat o kapareho niya.

Samantala, pinag-uusapan naman na nila ang kasal pero marami pa raw kasi silang kanya-kanyang pangarap. At bilang magkarelasyon ay gusto nilang maabot nang magkasama ang mga ito.

Pero sa ngayon daw ay ayaw nilang ipilit at hindi naman daw sila nagmamadali.

Siya naman daw kasi ang klase ng tao na ang goal niya ay umaasa siyang mapapangasawa na ang kanyang karelasyon.

Maaalalang sinabi ni Rayver noong November nakaraang taon na si Julie Anne na ang kanyang the one at sinabi ring sa isip, katawan at kaluluwa ay kasal na siya sa girlfriend.

Sinabi rin ni Julie na mahihirapan siyang mabuhay nang wala si Rayver dahil espesyal ito sa kanya at talagang kinakapitan niya sa lahat ng bagay.

Kaya siguradong nakaabang ang mga tagahanga nila kung sa altar na talaga hahantong ang relasyon nila. Bongga.

 

Show comments