^

Pang Movies

Coco, may bagong kalaban!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Tutok ang mga manonood ngayon ng primetime action-drama TV series na Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid sa nalalapit nitong pagtatapos sa darating na July 19.

Ang Black Rider ni Ruru ay nakatagal ng pitong buwan sa pakikipagbanggaan sa long-running and top-rating action-drama series ni Coco Martin, ang FPJ’s Batang Quiapo. Next na tatapat kay Coco ay ang Pulang Araw kung saan tampok ang tambalang BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco kasama sina Alden Richards, Sanya Lopez at Dennis Trillo.

Coco at Julia, kinatatakutang matulad sa KathNiel

Matagal-tagal na rin ang relasyon nina Coco Martin at Julia Montes na abot na ng 12 taon matapos magsama ang dalawa sa 2012 hit primetime TV series na Walang Hanggan. 

Since then ay halos inseparable na ang dalawa but at that time ay hindi pa nila nilalantad sa publiko ang kanilang relasyon at hindi pa rin nila inaamin noon ang totong estado.

It was only about two years ago nang aminin na mismo ni Coco ang tungkol sa kanila ni Julia at magmula noon ay nawala na ang iba’t ibang ispekulasyon sa kanila at naging bukas na sila sa publiko laluna sa kanilang pamamasyal sa iba’t ibang lugar including Europe.

Sa pagkakapanalo ni Julia ng kanyang first Best Actress trophy in a movie para sa pelikulang Five Breakups and a Romance sa recently concluded 7th EDDYS Choice ay si Coco ang sobrang natuwa for his partner na si Julia.

Hindi kinakaila ng Kapamilya actress na bahagi umano ito sa kanyang journey bilang actress at hindi rin nito ikinakaila na ang actor ay isa sa kanyang mga inspirasyon sa buhay.

Kasal na lamang ang kulang sa dalawa na sana’y hindi matulad sa dating relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na pagkatapos ng 11 taon ay nauwi rin sa hiwalayan.

Samantala, kung bukas na ang relasyon sa publiko nila, kailan naman kaya nila ibabahagi sa publiko ang kanilang napapabalitang anak?

Jennylyn, noon pa negosyante

Kahit nung dalaga si Jennylyn Mercado ay mahilig na itong magnegosyo bagay na kanyang ipinagpatuloy ngayong mister na niya si Dennis Trillo. Together ay itinayo nila ang Cat Café at sarili nilang production outfit, ang Brightburn Entertainment kung saan nila kasosyo ang manager na si Becky Aguila ng Aguila Entertainment kasama sina Katrina Aguila at Jan Enriquez as incorporators.

Bago nagpakasal in a civil wedding rites in 2021, sina Dennis at Jennylyn ay may tig-isa nang teenage sons na sina Calix Andreas Ho kay Dennis (sa dating beauty queen-turned actress na si Carlene Aguilar) at si Alex Jazz Mercado kay Jennylyn (sa actor na si Patrick Garcia). Habang may over two-year-old daughter naman ang mag-asawa na si Dylan na isinilang nung April 25, 2022.

Although pareho pa ring aktibo ang mag-asawang Dennis at Jennylyn sa kanilang respective careers, ang pagkakaroon ng negosyo ay bahagi na ng kanilang long-term plan.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with