^

Pang Movies

Maxene, inaming pinagdasal na mabuhay ulit si Francis M

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maxene, inaming pinagdasal na mabuhay ulit si Francis M
Maxene

Nagsalita si Maxene Magalona kung paano niya hinarap at nalagpasan ang mga pinagdaanang pagsubok noong mauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng dating mister na si Rob Mananquil.

Ibinahagi niya sa Updated with Nelson Canlas podcast kung paano niya hinarap ang sakit nang gumuho ang kanyang buhay may asawa.

Sinabi nitong sa pamamagitan ng pagdarasal para sa kanyang sarili at sa ex-husband at para makapagparaya sila sa bagay na hindi para sa kanila.

Ang isa sa kanyang mga ispirituwal na guro sa Bali ang nagpayo sa kanya na ang attachment ang isa sa pangunahing sanhi ng kanyang pagdurusa.

Noong gumuho raw ang kanyang marriage ay hiniling niya na sana’y nabuhay ang kanyang pumanaw na ama na si Francis Magalona pero mas lalong nagpahirap sa kanya ang pagkapit doon kaya kinailangan niya pang tanggapin ang pagguho nito nang dahan-dahan.

Nakatulong din daw sa kanya ang pagbasa ng librong The Power of Now para piliin ang present at tanggapin ang nangyayari sa halip na labanan ito.

Hindi raw madali ang dumaan sa breakup pero mas pipiliin niyang dumaan doon kesa manatili sa isang magulong relasyon.

“It will always be painful, going through a breakup and staying in a toxic relationship. So, what pain are you willing to go through? Both of it is painful. It’s painful to go through the breakup and it’s also painful to stay where you’re not meant to stay. So, which one do you choose? I chose the first one. I chose the pain of going through the breakup,” pahayag niya.

Maaalalang Oktubre 2022 nang mag-post siya na nasa isang solo date night, na may caption na “Perks of being single and childless” na naging kumpirmasyon ng kanilang hiwalayan ng dating mister.

vuukle comment

MAXENE MAGALONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with