Kylie pasok sa Asawa

Kylie Padilla

Bongga, naadik pala ang viewers sa teleseryeng Asawa ng Asawa Ko!

Kasi naman daw, talagang kuhang-kuha ang gigil ng manonood lalo’t mas tumitindi pa ang bardagulan nina Cristy (Jasmine Curtis-Smith) at Shaira (Liezel Lopez).

Pero sa pagsapit ng 100th episode nito kagabi, isang panibagong karakter ang inabangan.

Si Kapuso actress Kylie Padilla ang bagong pasok sa serye.

Ano kaya ang magiging papel niya sa buhay ng mga bida?

Napapanood ang Asawa ng Asawa Ko, mula Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito tuwing 11:25 p.m. sa GTV.

Bongga. Sa totoong buhay siyempre, wala nang asawa si Kylie.

Meron naman daw itong karelasyon pero ‘di pa nilalantad, walang face reveal.

Kaloka ang face reveal as if interesado naman akong makilala ito.

Pero totoo bang isa itong tattoo artist?

Ay, matanda na ako para magpa-tattoo noh. Hahahaha.

Siyempre charrot lang ‘toh. Si Salve na lang palalagyan ko ng tattoo.

Show comments