Goin Bulilit, nalampasan ang 60K peak concurrent views!

MANILA, Philippines — Patok na patok pagbabalik ng Kapamilya kiddie gag show Goin Bulilit at mga spoof nito gaya ng Baby Quiapo at Magandarang Buhay noong Hulyo 1 (Lunes), kaya naman nakamit nito ang lampas 60,000 peak concurrent views.

Bumuhos ng papuri online sa mga nakakaaliw na parody at mga kwela at cute na mga bata.

Sa Magandarang Buhay, nakausap ng momshies na sina Jonila (Chastity), Redgie (Elisha), at Menai (Kulot) ang dating Goin Bulilit stars na sina Nash Aguas at Mika dela Cruz tungkol sa kanilang buhay mag-asawa.

Samantala, nakilala rin ng viewers sina Sanggol (Baby Giant), Tiny Bubbles (Kelsey), at David Dimagibagiba (Argus).

Nagbalik din ang GB Patrol at Ano Daw. Napanood din ang nakakatawang musical spoof nila sa kanta ni Angeline Quinto na Piliin Mo Ang Pilipinas, na pinamagatang Kulitin Mo Ang Pilipinas habang nakilala rin ng manonood sina Alice Gulo at Lisa Contiveros.

Abangan nga pa ang iba pang hinanda ng kwelang jokes, spoofs, at parodies ng Goin Bulilit at iba pang mga batang magpapasaya ng mga hapon ng manonood.

Panoorin ang Goin Bulilit Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. at Saturday at Sunday, 4:30 p.m.  sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, ALLTV, A2Z, and iWantTFC.

Show comments