Hindi makalimutan ni Cristine Reyes ang panlolokong ginawa sa kanya ng ilang tao sa halagang kalahating milyon.
Sa Instagram post ni Cristine ay ibinahagi niya ang mga larawan ng isinagawa niyang charity projects noong nakaraang buwan. Aniya ay masaya raw siya na marami raw silang natulungan.
But at the same time ay nalungkot din daw siya dahil naalala niya ang nangyari noong 2021 na may humingi raw ng tulong sa kanya para mangalap ng donasyon para sa mga batang may sakit pero it turned out na bogus lang ito.
“Masaya at simple ang araw na ito noon Mayo 24, 2024. Nakaipon kasi kami ng mga kasama ko at nakabili kami ng pagkain at mga pangangailangan ng mga kapwa natin sa NCMH.
“Hindi ko lang maalis sa isip ko na malungkot dahil noon 2021 may mga taong lumapit sa akin. Sabi nila may mga bata raw na may malubhang sakit. Hindi ako nag-atubiling tumulong,” ani Cristine.
Nakalikom daw siya ng mahigit sa kalahating milyon nang time na ‘yun pero pagkatapos niyang ibigay ang pera ay hindi na raw niya nabalitan pa kung ano na ang nangyari.
“Lumapit ako sa mga kaibigan at kakilala ko at nakaipon ng mahigit kalahating milyon sa loob lamang ng isang linggo.
“Sa masakit na kapalaran.. Wala akong nabalitaan o nakita man lang sa mga batang may malubhang sakit at pilit ko tinatanong kung pwede ko sila mabisita at makita kung saan napunta ang aming naipon noon,” kwento ni Cristine.
“Nahihiya ako sa mga nagbigay ng donasyon at nalulungkot ako na minsan ay nagamit ako ng mga ibang tao na nagsabing ibibigay nila ang tulong na iyon para sa mga batang may malubhang sakit,” patuloy niya.
Kasunod nito ay nag-sorry siya sa mga nahingan niya ng tulong noon kabilang na nga ang kanyang mga boss, kapwa-artista at ka-trabaho.
“Para sa mga boss ko, kapwa artista at mga ibang naka-trabaho na nagbigay noon 2021 ng donasyon humihingi ako ng paumanhin. Hindi ko nakakalimutan hanggang ngayon na nagbigay ako ng pangako sa inyo na ipapakita ko kung saan mapupunta ang kabutihang loob ninyo,” mensahe ng aktres.
Ipinagpasa-Diyos na lang daw niya ang nangyari pero nag-iwan ito ng matinding aral sa kanya.
“Magsisilbing aral iyon sa akin. Ako ay nag-tanda. Maraming tao ang magpapanggap at mang-aabuso. Bahala na sa inyo ang may kapal,” sey ng aktres.
“Malungkot man isipin na ngayon maliit lamang ang aking naipon para naman sa mga kapwa natin sa NCMH.
“Alam ko malinis ang aking hangarin para tumulong. Kahit maliit lamang ang aming naipon ngayon, okay lang. Kasi itong maliit na salo-salo na ito ay naging masayang araw para sa amin lahat,” pahayag pa ni Cristine.
Andi, araw-araw naalala si Jaclyn
Sa pagdiriwang ng kanyang ika-34 na kaarawan kahapon (June 25), binigyan ng tribute ni Andi Eigenmann ang kanyang namayapang inang si Jaclyn Jose sa pagbibigay sa kanya ng buhay.
Sa Instagram post ng dating aktres, sinabi niyang araw-araw niyang naalala ang kanyang ina pero mas lalo na ngayong kaarawan niya.
“Everyday, but more today, I remember my mother.
“As I celebrate my 34th birthday, I honor the person that brought me into this world and gave me this beautiful life. There was no other live like yours, Nanay,” pagpupugay ni Andi sa ina.
“I will always cherish this wonderful gift you gave me.
“As you are now amongst the stars, I know that i will always be guided by your shining light. You’ll always be with me Nanay,” pahayag pa ng dating aktres.
Matatandaang pumanaw si Jaclyn nitong March 2, 2024 sa edad na 59 dahil sa atake sa puso.