^

Pang Movies

Bea, nawindang sa sampal ni Jean

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bea, nawindang sa sampal ni Jean
Bea Alonzo

Naging mala­king parte si Jean Garcia sa pagiging artista ni Bea Alonzo. Una silang nagkasama sa 2002 teleserye na Kaytagal Kang Hinintay at nasundan ito noong 2003 with It Might Be You.

Kaya natuwa si Jean noong mapasama siya sa Widows’ War dahil muli niyang makakatrabaho si Bea after 20 years.

“Teenager pa si Bea noon and first team-up pa nila yun ni John Lloyd (Cruz). Walang pinagbago si Bea. Same pa rin. Magaling naman na siya noon, mas lalo siyang magaling ngayon,” sey ni Jean na pinatikim na si Bea ng kanyang signature na sampal.

Sey ni Bea: “Nung sinampal niya ako, sabi ko, ‘Nakabalik na nga pala si Miss Jean Garcia sa buhay ko!’ Namiss ko ‘yung intensity nung sampal ni Miss Jean. Buti na lang siya ‘yung ka-eksena ko kasi feeling ko mas masasaktan ako. I’m glad na nagkasama ulit kami after so many years.”

Hindi lang daw si Bea ang papakitaan ni Jean ng pagiging impaktita niya dahil pati Carla Abellana ay nag-aabang na masampolan niya.

Sey ni Carla: “Pinaghahandaan ko na. Wala pa kaming masyadong mabigat na eksena ni Ms. Jean pero masaya ako to work with her for the first time. Kaya ready na po ako sa pagsalo ng mga sampal niya.”

Bagong Miss Manila, artistahin

Si Aliya Rohilla of Sta. Cruz ang tinanghal na Miss Manila 2024.

Kinabog ni Rohilla ang 23 candidates sa naganap na coronation night sa Metropolitan Theater in Manila noong nakaraang Sabado.

Napabilib ni Aliya ang mga judges sa kanyang sagot sa tanong na “What is truly worthy of a woman’s time?”

Sagot niya: “Something that is truly of a woman’s time would be her purpose. I think living a purposeful life means having that sort of destination to your journey in this lifetime. Because without purpose, it’s like sailing a ship without an anchor.”

Artistahin ang beauty ni Aliya kaya di nakapagtataka kung pasukin nito ang showbiz pagkatapos ng kanyang reign as Miss Manila.

Bukod sa crown and title, nauwi rin ni Aliya ang P1 million cash prize.

Travis, official na sa Eras Tour

Naging Eras Tour official na sina Taylor Swift and Travis Kelce.

For the first time, nag-participate ang Kansas City Chiefs boyfriend ni Taylor sa concert nito sa London.

Lumabas bigla si Travis sa transitional number before “I Can Do It with a Broken Heart” kasama ang backup dancers na ikinatuwa ng audience. Binibit pa niya si Taylor na parang bride sa song na “The Smallest Man Who Ever Lived.”

Ayon sa Rolling Stone, ang The Eras Tour ang highest-grossing concert tour of all time with a gross of at least $1 billion. Tinalo na ni Swift ang na­ging tour ni Elton John’s na Farewell Yellow Brick Road.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with