^

Pang Movies

Lovi, Loisa, Maymay at Alexa, hot at fresh ang performances!

Pang-masa

Sulitin ang weekend kasama ang rising hitmaker na si Maki, maging ang Kapamilya ladies na sina Lovi Poe, Loisa Andalio, Maymay, Alexa Ilacad at iba pa, sa kanilang handog na hot at fresh na performances ngayong Linggo (Hunyo 23) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, sa TV5.

Abangan si Maki kasama sina Angela Ken at Nhiko na aawitin ang kanilang collaboration song na Sikulo. Mapapanood rin si Lovi, na may sing and dance performance ng hit song ni SZA na Saturn kasama sina Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Ken San Jose at G-Force. Magsasama-sama naman sina Maymay, Alexa, Loisa, Anji Salvacion, at AC Bonifacio sa pagsasayaw ng mga trending na international hits kasama ang mga grupong Axis, Ignite, Legit Status, at G-Force.

Ipagpatuloy ang dance party kasama sina BGYO Gelo at Nate, kasama ang D’ Grind, para sa isang epic clash dance na tampok ang mga kantang Limb by Limb ni Cutty Ranks at Rover ni EXO Kai.

Samahan sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Darren Espanto sa pag-welcome sa OPM singer na si Kitchie Nadal.

Saksihan ang mga nakaka-touch na rendisyon ng mga awit ng Ben&Ben mula sa mga singing champion na sina Jona, Klarisse De Guzman, Kyla, Sheryn Regis, Jason Dy, JM Yosures, JM De La Cerna, Sam Mangubat, Khimo, Bugoy Drilon, Marielle Montellano, Lyka Estrella, Katrina Velarde, at Lara Maigue, kasama ang social media influencer na si Kevin Sy na maghahatid ng hugot spiels.

Maghanda para sa isang espesyal na song number mula kay Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel kasama sina Erik, Jed Madela, at Jason. Makibirit din sa ASAP divas na sina Regine, Zsa Zsa, Bituin Escalante, Frenchie Dy at Nina na kakantahin ang mga hit song ng international pop group na Wilson Phillips.

Makakasama naman ngayong Linggo ang ASAP hosts na sina Martin Nievera, Robi Domingo, at Edward Barbers.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, ASAP Natin ‘To, 12 nn sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with