Selebrasyon ng ika-sampung taon sa industriya ang D10 concert ng Asia’s Pop Hearthrob, Darren na ginanap sa Araneta Coliseum noong June 1, 2024.
Ten years ago, nakilala si Darren sa The Voice Kids Philippines Season 1 at ngayo’y kilala na siya bilang isa sa mga magagaling na performers at isa sa pride ng Star Magic sa international stage. Pagbabalik tanaw sa kanyang naging journey at napuno ng fans, celebrity guests, at mga kaibigan ang kanyang sold-out concert.
Para kay Darren, ang solo concert niyang ito ay isang ‘dream come true.’ “Tagal ko nang hinintay ‘tong moment na ‘to. We’ve done several special events sa Araneta before pero iba pala talaga kapag alam mong sarili mong show,” sabi ni Darren.
Naging bahagi si Darren sa pamilya ng It’s Showtime bilang isa sa mga regular host kung saan kasama niya sina Vice Ganda at Ogie Alcasid. “Si Ate Vice, isa sa mga sumusuporta sa career ko ever since The Voice Kids. Laging siyang andiyan giving tips, not only for my career but also for my personal life. I want her to be part of my 10th anniversary kasi part siya ng journey ko,” bahagi ni Darren.
Nang tanungin kung paano niya pinagsasabay-sabay ang lahat ng trabaho niya, ibinahagi ni Darren kung paano niya pinaplano ang kaniyang oras para matugunan ang lahat ng kanyang mga responsibilidad. “It’s nice to have a routine at ‘yun yung pang-start ko ng araw ko. Showtime muna at saka ako mag-rehearse. Pagdating ko sa rehearsals, ‘yung adrenaline ko andoon na kaagad. Nakatulong siya to prepare me for the day and calm my nerves,” sabi ng aktor.
May karanasan din si Darren sa pag-arte, gaya ng recent role niya na si Stephen Tanhueco sa teleseryeng Can’t Buy Me Love. Ang kaniyang character ang naging ka-love triangle ng tambalang Caroline (ginampanan ni Belle Mariano) at Bingo (ginanapan ni Donny Pangilinan).
Nang tanungin naman si Darren tungkol sa kaniyang susunod na projects at collaborations, nabanggit ng aktor ang mga artistang pinapangarap niyang makatrabaho. Kabilang dito sina Martin Nievera at Regine Velasquez. Nagbigay rin ng patikim si Darren para sa kaniyang fans tungkol sa mga susunod pa na dapat abangan sa kaniya. “One of those things is recording as we’re finishing my first album under Star Music and to have a performance in the global stage, tulad ng ginawa ko dati sa Singer 2019, and of course, Showtime araw-araw,” pahayag ni Darren.
Pinakamainit at pinaka-sexy na BL actors, bibida sa VIU
Ngayong Hunyo, buwan ng Pride Month, tampok ng Viu Philippines ang kanilang Boys’ Love romance-comedy series na mula sa GMMTV, isang kilalang entertainment company sa Thailand. Ibinalita ng Viu na kabilang ngayon sa kanilang premium Asian content ang Wandee Goodday at My Love Mix-Up! na produced ng GMMTV.
Sa Wandee Goodday ang brokenhearted at lasing na si Dr. Wandee ay magkakaroon ng one-night stand sa Muay Thai fighter na si Yo Yak Phadetseuk. Para walang komplikasyon, magkakasundo ang dalawa na maging “friends with benefits” lamang. Pero kahit iwasan o itanggi, magkakadevelopan pa rin sila ng feelings.
Ang series na ito ay base sa isang nobela. Bida rito ang dalawa sa pinakamainit at pinaka-sexy na BL actors. Si Inn Sarin Ronnakiat, star ng popular na Thai BL series na The Miracle of Teddy Bear, ang gumaganap na si Dr. Wandee. Habang si Sapol Assawamunkong, na gumaganap na Yo Yak, ay star ng Thai adaptations ng K-dramas na Beauty Newbie and Start-Up.
Ang My Love Mix-Up! naman ay kuwento ng mga estudyante sa high school. Ang mahiyaing si Atom ay may crush sa babae niyang kaklaseng si Matmi. Pero si Matmi ay may gusto naman sa lalaking si Kongthap. Nang makita ni Kongthap na hawak ni Atom ang eraser ni Matmi kung saan nakasulat ang kanyang pangalan, iisipin niyang may gusto sa kanya si Atom.
Sina Gemini Norawit Titicharoenrak at Fourth Nattawat Jirochtikul ang gumaganap sa mga papel na Atom at Kongthap. Sila ang nabansagang “Geminifourth” na BL love team na ngayo’y malaki na ang fan base sa Asia.
Maaring i-download ang Viu sa Apple Store o sa Play Store o bistahin ang www.viu.com para mapanood ang Wandee Goodday, My Love Mix-Up! at iba pang Asian dramas nang libre. Ang iba pang BL titles na available na sa Viu ay ang Close Friend, Close Friend 2, Close Friend 3 Soju Bomb!, Bite Me the Series at Kiseki in Tokyo Chapter 2.