^

Pang Movies

Igan, matagal pa bago bumalik sa dati ang katawan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Igan, matagal pa bago bumalik sa dati ang katawan
Igan

“The worst is over,” ang update ni Arnold Clavio matapos na maospital siya noong nakaraang June 11 dahil sa hemorrhagic stroke.

Matatandaang ibinahagi ni Igan sa kanyang Instagram account noong nakaraang linggo ang naging atake niya and since then ay nagbibigay siya ng update para rin makatulong sa mga katulad niyang nakaranas din ng stroke.

“The worst is over, sabi nga ni Dr. Vincent Valencia , cardiologist . Ang sarap pakinggan pero it is not yet over . Mahaba-haba ang laban na ito

“Ayon kay Dr. Greg Dayrit , neurologist , kailangan ko ng 6 na linggong pahinga , rehabilitasyon at therapy , para manumbalik ang dati kong lakas at kilos,” pagbabahagi ni Igan sa kanyang recent update.

“Dahil sa pagdurugo ng kaliwang bahagi ng aking utak , dulot ng altapresyon , naging mahina ang kanang bahagi ng aking katawan . Sinubukan kong humakbang pero umiikot ang aking paligid at muntik-muntikan ako na mabuwal . Wala pa rin akong balanse,” aniya.

“Kailangan ding maibaba pa ang aking blood pressure at sugar para di na maulit ang pagputok sa aking utak . Kaya sinimulan na rin ang akong turukan ng insulin at mga gamot sa blood pressure at pagbaba ng cholesterol,” patuloy niya.

At sa pinaka-latest update ni Igan kahapon, ikinuwento niyang sinimulan na rin daw ang occupational therapy (OT) sa kanya.

“Hindi lang physical therapy ang kailangan para manumbalik sa dati ang lakas ng kanang bahagi ng aking katawan .

“Inirekomenda rin ni Dr. Lyde Alday-Magpantay ang ‘occupational therapy’ (OT),” kwento niya.

“Sa proseso ng OT , sisikapin na maibalik ang sensor o pakiramdam ng aking mga kamay . Dahil sa hemorrhagic stroke , labis na naapektuhan ang aking kanang kamay,” paliwanag ni Igan.

“Sa tulong ni Dave , isang occupational therapist , binigyan niya ako ng mga exercises para bumalik sa normal ang pakiramdam ng aking kanang kamay,” he shared.

Aniya pa, “Kailangan dito ang matinding tiyaga.”

Nagbigay rin ng mensahe si Igan sa mga katulad niyang nakaranas ng stroke na sundan na lang daw ang mga ehersisyong pinagawa sa kanya.

“Sa mga nakaranas ng stroke , maaari ninyong sundan ang mga ehersisyo na ipinagawa sa akin para muling bumalik ang sigla ng inyong pangagatawan .

“Sama-sama nating malalagpasan ang pagsubok na ito sa tulong ng inyong mga panalangin at sa makapangyarihan na pangalan ni Hesus . Amen,” saad ng batikang Kapuso broadcaster.

Arlene, walang alam kina Barbie at Jak

Naaliw ang entertainment press kay Arlene Muhlach sa mediacon ng That Kind of Love, ang first movie nina Barbie Forteza at David Licauco.

Harap-harapang tinanong ni Arlene sina Barbie and David sa presidential table ng “kayo na ba?”

Nagkatinginan nga kami ng mga kasamahang press sa table at nagtanungan ng “hindi ba niya alam na boyfriend ni Barbie si Jak Roberto?”

It turned out na hindi pala niya talaga alam. Nang may magbanggit sa mediacon ng pangalan ni Jak as Barbie’s BF, doon pa lang niya nalaman.

Kaya naman kaagad siyang nagpaliwanag nang marinig niya ito.

“Tungkol du’n sa kanila, kasi ‘di ko naman alam na meron kang iba pala,” sey ni Arlene sa katabing si Barbie.

“Akala ko, parang kayo (ni David), nagkakaligawan,” aniya.

Natatawang paalala naman ni Barbie sa kanya, “naka-mic (microphone) po kayo.”

Paliwanag pa ni Arlene, pina-follow naman niya sa IG pareho sina Barbie at Jak pero hindi raw niya parating nakikita ang mga post nito.

“So, hindi ko alam na merong… kala ko… kaya sabi ko, ‘kayo na ba?’” sey pa niya.

Hirit pa ni Arlene, “kasi, gusto ko sila (BarDa). I mean, kung ako, kung anak kita sa totoong buhay at may mayaman na, mabait pa, simpatico, eh game na, ‘di ba?”

Nag-sorry naman si Arlene sa kanyang kataklesahan.

“Hindi ko alam na merong… sorry naman. Hindi ko nakikita lagi sa algorithm, eh.”

Sey pa ni Arlene, kinikilig daw siya talaga sa BarDa.

Hindi naman siyempre ito minasama ni Barbie and she took it as compliment dahil ibig sabihin nga lang nito ay effective talaga ang loveteam nila ni David.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with