^

Pang Movies

Paolo, nagsalita tungkol sa PAG-unfollow kay Yen

Salve V. Asis - Pang-masa
Paolo, nagsalita tungkol sa PAG-unfollow kay Yen
Yen at Paolo

MANILA, Philippines — “Katulad nga ng sinabi ko, ang IG (Instagram) ko pang-promote na lang. Anything personal wala na. ‘Yun lang,” ito lang ang sagot ni Paolo Contis tungkol sa kontrobersyang nag-unfollow na siya kay Yen Santos.

Ang analysis kasi, confirmation ito na wala na sila ni Yen kahit wala namang sinasabi si Paolo o maging si Yen.

Nauna nang nag-unfollow si Yen sa actor at doon nag-umpisa ang speculation na wala na sila ng inactive actress.

Naikonek din ito sa pagpayat ni Paolo na sadya pala niyang ginawa nung umpisahan ang pelikulang Dear Satan na sina-suggest na isali sa Metro Manila Film Festival 2024 ayon sa narinig kong chika.

Ang ganda ng kuwento ng Dear Satan ha, kuwento raw ito ng isang bata na imbes na Dear Santa ang isulat, Dear Satan ang nasulat.

At ang gaganap na Satan, si Paolo.

Wow parang ang ganda ng concept ng movie, nakakaaliw, kuwento pa lang sa akin. 

At doon daw pumayat nang husto ang actor.

Anyway, pero ang big question talaga ngayon ay kung totoo bang wala na talaga sila ni Yen?

Ang narinig kong usapan, diumano’y may mga nakikialam sa relasyon nila, sa side diumano ni Yen.

Totoo ba na kontra ang mga nakikialam kay Paolo?

Well, walang sagot si Paolo ‘pag tinatanong sa totoong status ng relasyon nila ng dating actress.

Sino naman kaya ‘tong mga nakikialam na ‘toh sa kanilang relasyon?

Dahil kaya sa mga pakialamero/ra kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama?

Awws.

Pero ang nakakataka ano bang pakialam nila kung nag-split sila? ‘Di naman mag-asawa sina Paolo at Yen? Mag-asawa nga naghihiwalay? 

Young JV at Ronnie, magba-basketball muna

Nagpakita muli ang mga Star Magic artists ng kanilang athletic side sa ginanap na taunang Star Magic All-Star Games noong Hunyo 2, 2024 sa Big Dome kung saan maaksyon ang laban sa volleyball at basketball games.

Sa pangunguna ni Gerald Anderson bilang playing coach, tinapos ng Shooting Stars Red ang dalawang taong sunod-sunod na pagkapanalo ng Team It’s Showtime, at si Young JV ang pinarangalan bilang Most Valuable Player (MVP) ng laro. “Tough love si Ge and good thing naman ‘yun. He’s been a leader to us, talagang pinupush niya kami,” sabi ni Young JV tungkol sa istilo ng pagco-coach ni Gerald.

 Hindi madaling gawin para sa Shooting Stars Red na tapusin ang sunud-sunod na pagkapanalo ng Team It’s Showtime. Ibinahagi ni Young JV ang naging strategy ng kanilang team. “Strategy namin was to stop them from shooting inside. ‘Yun ‘yung strong suit ng Showtime ngayon. We tried not to give that to them,” sabi ng aktor.

Samantala, nanalo naman ang Lady Spikers laban sa Lady Setters sa isang sweep three-set match kung saan napanalunan ni Analain Salvador ang kanyang ikaapat na MVP award. Ngunit hindi rin naman na­ging madaling proseso ayon kay Analain na maki­pagtapatan sa Lady Setters. “Nung lumabas ‘yung team nila Mikha, everyone was shouting so loud. Medyo may pressure pero ang mindset lang namin lahat ay enjoy-in lang, it’s just a game and we’ll just have fun,” ibinahagi ni Salvador.

Sa kabilang banda, ang Shooting Stars Blue ng Star Magic na pinangungunahan nina Donny Pangilinan at Ronnie Alonte ay nanalo laban sa Anbilababol Basketball team nina Cong at Team Payaman, kung saan si Alonte ang napangalanang MVP.

 Ang competition laban sa Youtube vloggers na kilala sa kanilang comedic content, noong una, ay hindi inakala ni Ronnie na magiging seryoso. “Nung una, sinabi ko baka dogshow-in tayo nito. Pero nung first quarter, nagulat ako kung gaano sila kaseryoso. Ang gagaling nila, mga nagba-basketball pala talaga. Lumalaban ‘yung Team Payaman kaya lumaban talaga kami,” sabi ni Ronnie.

 Ang Star Magic All-Star Games ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga artista na ipakita ang kanilang talent at skills sa labas ng camera, habang binbigyan sila ng pagkakataon na makipagkaibigan sa kapwa artista. 

 “Nakakatulong ‘to sa akin para mas makilala pa talaga, kasi maraming tao na ang alam lang na acting lang ‘tong mga ‘to or pa-pogi lang. Napapakita namin, si (Young) JV, ang galing pala mag-basketball. Malaking tulong siya makilala talaga sa ginagawa mo,” dagdag ni Ronnie.

Patuloy si Young JV sa paggawa ng music para sa ilang Star Magic atists. Si Analain naman ay kasama isang darating na acting project, kung saan makakasama niya sina Anji Salvacion, Gelo Rivera ng BGYO, at Brent Manalo. Dapat naming abangan si Ronnie sa isang pelikula kasama si Loisa Andalio. Bukod dito, mapapanood pa rin sina Young JV at Ronnie Alonte sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with