^

Pang Movies

Vice, may misyon sa mga bakla

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Vice, may misyon sa mga bakla
Vice

Naging usap-usapan sa social media ang sinabi ng It’s Showtime host na si Vice Ganda sa segment na EXpecially For You tungkol sa pang-aabuso sa pagiging mapagbigay ng mga bakla.

Marami raw mga bakla ang nakakaranas ng pang-aabuso sa kabaitan kung saan marami sa mga ito ay ginagamit at pinapaasa para sa mga material na bagay na gusto nilang matanggap mula sa mga ito.

“Ang dami naming mga bakla na nakakaranas ng ganiyan. ‘Yung ganyan ‘yung bibigyan kami ng pag-asa kahit simula’t sapul wala lang rin naman. Hindi naman dahil sa ang habol nila ay ‘yung magandang relasyon namin sa kanila at ‘yung magandang kaluluwa namin at gandang puso, ang habol naman talaga, e, ‘yung bagay na makukuha, ‘yung mahuhuthot at masipsip niyo sa amin,” sey ng Unkabogable Star.

Iyon daw ang masakit sa mga gaya nila na maaari naman silang ma­ging matalik na kaibigan, seryosong karelasyon, kagrupo o kabarkada pero hindi nga raw iyon mang­yayari kung ang intensyon sa kanila ay huthutan lamang.

Sana raw maraming maka-realize na bukod sa regalo ay maging sapat ‘yung magandang puso ng tao ang kanilang tingnan para maging kaibigan din nila ito.

Alam naman daw ng karelasyon ni Ion Perez na may pagkakamali rin ang mga bakla at bahagi ang mga ito sa sistemang iyon.

“Baka siguro kasi meron tayong bahagi sa sistema na iyon. Kasi pinapaikot natin ‘yung sistema, eh. Na kailangan ganoon tayo (mapagbigay)... para ma-appreciate tayo to the point na parang binibili naman natin ‘yung tao, eh. Kinukuha natin ang atensyon niya hanggang sa nasasanay sila. Hanggang sa may isang tao tayong makikilala na magpapaalala sa atin na, ‘Huy! Hindi iyan ang maganda sa iyo. Maganda sa iyo ang puso mo. Kung paano mo ko trinato bilang tao, bilang lalaki, mas na-appreciate nila iyon,’” dagdag pa niya.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with