^

Pang Movies

Ellen, dinepensahan ang pagiging present father ni John Lloyd!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ellen, dinepensahan ang pagiging present father ni John Lloyd!

Hindi napigilan ni Ellen Adarna na sagutin ang isang netizen na nagkomento sa kanilang family picture sa moving up ceremony ng anak na si Elias.

Ipinost ni Ellen ang litrato nila sa moving up ceremony ni Elias kasama ang mister na si Derek Ramsay na may caption na “The only decent moving up photo.”

Pero merong netizen na nagkomento ng “JL should be present,” na ang tinutukoy ay sana naroon din ang aktor na si John Lloyd Cruz na tatay ni Elias sa mahalagang pangyayari sa buhay ng anak nila ni Ellen.

Hindi nga ito pinalagpas ni Ellen at sinagot nito ang netizen at dinepensahan ang tatay ng anak.

“AND YOU SHOULD MIND YOUR OWN BUSINESS. just because he’s not in the photo [doesn’t] mean he was not there. Wag masyadong close minded manang. Present father naman [siya] meaning present din [siya] sa lahat ng milestones ng anak nya,” sagot ng misis ni Derek.

Marami nga kasing mga tao ang mahilig magbigay ng opinyon sa buhay ng mga artista at akala ng mga ito ay alam nila ang nangyayari sa buhay ng mga ito sa likod ng camera.

May nagkomento naman na pinuri niya ang nanay ni Elias at sinabing hindi lang ito decent photo kundi para raw itong litrato sa isang magazine at kumikinang daw doon si Ellen.

Pinuri rin ng netizens si Elias na nagsisimula nang magbinata at habang lumalaki ay lalong gumagwapo at walang dudang nagmana ito sa daddy Lloydie niya. Bongga.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with