^

Pang Movies

Alodia at Ria, ginawang mas bongga ang Father’s Day

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Alodia at Ria, ginawang mas bongga ang Father�s Day
Christopher Quimbo at Alodia Gosiengfiao

Sinabay sa celebration ng Father’s Day ang pag-reveal ni Cosplay Queen Alodia Gosiengfiao na magkakaroon na sila ng baby ng husband niyang si Christopher Quimbo.

In a short video uploaded on Instagram, makikitang na hawak nila Alodia at Christopher ang isang handheld gaming console kung saan makikita sa screen ang snapshot ng sonogram ng kanilang magiging baby.

“Player 3 has joined the party,” caption ni Alodia.

Ganundin si Ria Atayde na ipinakita na ang baby bump ng first baby nila ni Zanjoe Marrudo.

Vivamax Star, Type Si Ruru

Mukhang feel ng Vivamax starlet na si Ataska Mercado ang makatrabaho si Ruru Madrid.

Sa programang The Boobay and Tekla Show kung saan kasama ni Ataska na mag-guest ang kapwa Vivamax sexy starlets na sina Angelica Hart at Julia Victoria, inamin ni Ataska na nila-like niya ang mga photos sa social media account ni Ruru.

Si Ataska ay ex-girlfriend ng Sparkle artist ar panganay ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach. 

Jennifer binati si Ben

Sa gitna ng kumakalat na balitang may problema sa pagsasama nila, binati ni Jennifer Lopez ang mister na si Ben Affleck ng Happy Father’s Day.

Sabay na binati ni J.Lo si Ben at ang kanyang ama na si David Lopez.

“Our hero. Happy Father’s Day,” caption ni Jennifer sa pinost niyang black-and-white photo ni Ben mula sa 2001 movie nito na Pearl Harbor at black-and-white photo ng father niya sakay ng truck.

Two years ng kasal sina Jennifer at Ben pero balitang magkahiwalay na ang tirahan nila. May lumabas pang balita na binebenta na nila ang kanilang mansion sa Beverly Hills for $61 million. 

Kamakailan ay kinansela na ni Jennifer ang kanyang summer concert tour “to spend time my children, family and close friends.”

Mas nakikita raw si Ben na kasama ang ex-wife na si Jennifer Garner. Ayon sa TMZ, mukhang bumalik daw si Ben sa bisyo nito na pag-inom ng alak at si Garner lang daw ang makaka-convince kay Ben na tumigil sa pag-inom. 

 

vuukle comment

ALODIA GOSIENGFIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with