Maja, 30 oras nag-labor!
Ikinuwento ng aktres na si Maja Salvador ang pinagdaanan niya nang manganak sa panganay nila ng mister na si Rambo Nuñez sa Canada.
Nailabas niya ang baby girl na pinangalanan nilang Maria pagkatapos ng 30-hour labor.
Tiniis daw niya ang 12 oras na walang epidural, na pain reliever na ginagamit tuwing nanganganak. Matapos nga ang tatlong oras na pag-ire ay tagumpay niyang nailabas ang daughter nila.
Ayon sa kanyang post ay nagkaroon siya ng uterine inversion kaya kinailangang kunin sa kanya ang anak at ipinasa sa mister.
Sinubukan daw ibalik ng kanyang OB GYN ang kanyang uterus manually na nagdulot sa kanya ng pagkawala ng 3 hanggang 4 liters na dugo. Bumaba ang kanyang blood pressure sa 60/40 kaya sinabihan na siya ng kanyang Doula na anytime at kailangan siyang dalhin sa operating room.
Nang mga oras na iyon ay hindi na raw talaga niya kaya at ubos na ubos na ang lakas niya. Nagdasal na lang daw siya ng Hail Mary... nang paulit-ulit kahit wala na siyang lakas.
At himalang tagumpay namang nai-reposition ang kanyang uterus sa last attempt.
Kaya laking pasasalamat niya sa lahat ng medical personnel sa ospital na nandun nang manganak siya lalo na raw sa mga Pinoy nurse na nagbigay ng suporta at nag-alaga sa kanya.
Hindi nga naging madali ang panganganak ni Maja at ngayon ay nagpapagaling na siya kasama ang pamilya sa Canada.
- Latest