Humarap si Imelda Papin sa ilang selected entertainment press kahapon ng tanghali kaugnay ng kanyang pagkaka-appoint as the new Board of Director of PCSO ((Philippine Charity Sweepstake Office).
Sa kanyang pag-upo ay may programa nang naiisip gawin ang Asia’s Sentimental Songstress para mas mapaunlad pa ang serbisyo ng nasabing ahensya.
“May program akong naiisip, ito ay ang ‘Isang Linggong Serbisyo,’” she announced.
Sa nasabing programa, nangangahulugang hanggang Sunday ay nakahandang magserbisyo ang PCSO.
“Until Sunday, walang pahinga. Para maiba naman. Ang dami ko kasing experience, humihingi ng tulong sa akin. ‘Yung mga, ‘di ba, ang daming patients na pinapalabas na ng doctors ‘pag magaling na sila ‘pag Friday afternoon, so wala na silang chance para humingi pa ng tulong sa PCSO. May requirements na kailangang i-submit.
“At least, on Saturdays and Sundays, kahit online, basta maaprubahan kaagad para hindi na masyadong magastos pa,” paliwanag ng bagong direktor.
Maging si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ay nagustuhan daw ang kanyang programa na hango sa kanyang hit song na Isang Linggong Pag-ibig.
When asked kung hindi ba siya maninibago sa haharaping bagong trabaho, ayon kay Mel ay matagal na naman daw siyang nasa public service.
“Hindi ako worried because this is my forte. Talagang bago pa ako naging pulitiko, kahit ngayon na wala ako sa posisyon as Vice Governor, tumutulong pa rin ako kahit papaano sa sarili kong (bulsa), you know my own little way,” aniya.
‘Yun nga lang, maisasakripisyo ni Mel ang Actors Guild of the Philippines or Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT). Kinakailangan niyang magbitiw bilang Presidente ng naturang guild dahil may conflict na sa kanyang bagong posisyon.
“And mukhang hindi ko kakayanin sa oras ko siguro but nandu’n pa rin ako. Ayaw nila akong paalisin but kailangang nakatutok din ako dito (sa PCSO),” she said.
Pero siyempre, ang pag-awit ay hinding-hindi raw niya pwedeng kalimutan dahil ito naman daw talaga ang passion niya at dito naman talaga siya nakilala. Tatanggap pa rin daw siya ng concerts and shows pero sinisiguro rin naman niya na hindi niya mapapabayaan ang kanyang bagong trabaho.
Ogie, nakapagtapos na ng nurse!
Super-proud dad si Ogie Alcasid na mayroon na siyang anak na nurse.
Katatapos lang ng kanyang anak na si Sarah Alcasid sa kursong nursing at ipinost ni Ogie ang larawan ng graduation ceremony nito.
“Anak, i am so proud of you!!! @sarahalcasid now has a bachelor of nursing degree!! Hallelujah!!!” caption ni Ogie.
“So excited to see you and the fambam in a few days!!! Love you!!! Ty @michellevaneimeren for the pic,” sey pa niya.
Sa huling interbyu namin kay Ogie ay nabanggit niya nakatakda siyang pumunta sa Australia para nga makita ang nagtapos na anak.
“Actually, tatlo silang ga-graduate. Si Nate (anak nila ni Regine Velasquez) nag-graduate ng grade school, si Leila, nag-graduate ng college, si Sarah rin. So triple celebration,” ani Ogie.