^

Pang Movies

Gretchen, magiging busy na sa apo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Isa nang ganap na lola si Gretchen Barretto matapos magsilang ng isang malusog na sanggol ang kaisa-isa niyang anak na si Dominique Cojuangco.

Ibinahagi ng bagong mom sa kanyang Instagram account ang magandang balita kalakip ang larawan ng new-born baby girl nila ng mister ma si Michael Hearn.

Makikita rin sa photo na nakasulat ang pangalang Penelope Eloise na siyang  name ng sanggol.

“A week of bliss Five two-hour lipid IV drips and two-hundred and forty-two Heparin injections, but I’ve enjoyed every minute of my pregnancy. Michael and I are delighted to welcome our little wiggler from inside my womb. Thank you, Lord” ang caption ni Dominique.

Samantala, nananatiling deactivated pa rin ang social media accounts ni La Greta.

Loisa, nag-sorry sa solo travelers

Nag-sorry si Loisa Andalio sa mga taong na-offend tungkol sa naging pahayag niya hinggil sa mga solo travelers.

 Sa interview kasi ng PEP kay Loisa last week ay sinabi niyang ayaw niyang nagta-travel ng solo at hindi raw niya ma-gets ang mga taong gustong magbiyahe nang mag-isa. “Minsan kasi, ang ano lang, hindi ko maintindihan ‘yung mga tao na nagso-solo travel. Parang ang lungkot, kasi, sino ‘yung kabatuhan mo na ‘ang ganda ng view?’” sey ni Loisa sa naturang panayam.

Dahil dito ay katakot-takot na pangba-bash ang inabot ni Loisa mula sa netizens. Kinontra nila ang sinabi ng aktres na malungkot ang mga solo travelers.

“I love to travel solo, it makes me happy, there’s peace. Accept the fact that there are people who enjoy doing activities they love alone,” sey ng isang netizen.

May nagkomento pa ng “Loisa Andalio wala kang pake. Pera mo teh?”

Mag nag-wish pa na sana raw ay mag-break si Loisa at boyfriend na si Ronnie Alonte para ma-appreciate ng aktres ang kahalagahan ng solo traveling.

Sa latest interview ni Loisa sa ABS-CBN ay nilinaw ng aktres ang nauna niyang pahayag.

“Medyo bitin talaga ‘yung interview na ‘yun. Ang opinyon ko dun parang for me, kung ako mag-so-solo travel, grabe siguro ‘yung pinagdadaanan ko para umabot ako sa mag-solo na lang kasi ako ‘yung personality ko gusto ko kasama si Ronnie or ‘yung friends or ‘yung family,” ani Loisa.

 “Hindi ko nilalahat, sa akin lang ‘yun. Kung na misinterpret ng iba, sorry, opinion ko ‘yun. May opinion din sila nirerespeto ko din,” sey pa ni Loisa.

DOMINIQUE COJUANGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with