Pinoy Pawnstars Boss Toyo, ang laki ng tama kay Diana

Diana Zubiri

Lumabas ang pagkakaroon ng crush ni Boss Toyo o Jason Jay Luzadas ng Pinoy Pawnstars sa aktres na si Diana Zubiri nung presyuhan niya ang Danaya costume nito sa 2005 telefantasya na Encantadia.

Naging guest si Boss Toyo sa Unang Hirit para sa Bentahan Challenge at ang dalawang costumes ng Encantadia characters na sina Sang’gre Alena at Sang’gre Danaya ang pinapresyuhan sa kanya.

Sa costume ni Karylle na Alena, sagad na raw yung P300,000 pero ‘yung kay Diana mas malaki ang price tag niya.

“Diana kasi, sobrang idol ko ito noong kabataan ko. Tumangkad ako dito! ‘Pag dinala po sa akin ng kung sino po, kunyari ng production, P400,000 po.

“Pero kapag si Diana ang nagdala sa akin, baka P500,000. Sasagad ko po kapag nakita ko si idol. Diana Zubiri, sobrang idol ko ‘yan,” sey ni Boss Toyo na hindi napigilan ang paghanga kay Diana.

Sumisikat pa ito sa social dahil sa pamimili ng mga kaga­mitan ng mga celebrity.

Nicki Minaj, nakulong sa Amsterdam

Inaresto ang rapper na si Nicki Minaj sa Amsterdam for “allegedly exporting soft drugs.”

Na-detain sa Schipol Airport in Amsterdam ang singer pero pinalaya ito pagkatapos ng ilang oras.

Dahil sa nangyari, kanselado ang Pink Friday 2 world tour performance ni Minaj sa Manchester.

Ayon sa Live Nation: “Despite Nicki’s best efforts to explore every possible avenue to make tonight’s show happen, the events of today have made it impossible. We are deeply disappointed by the inconvenience this has caused.”

On social media, nagsalita si Minaj na may nananabotahe sa kanyang tour.

“They’ve been trying to stop me from coming to every show. They took my bags before I could see them. Put it on the plane. Now saying they’re wai­ting on customs. This is what it looks like when ppl are paid big money to try to sabotage a tour after all else failed. Everything they’ve done is illegal.”

 

Show comments