Hindi nahiyang ikuwento ng newly-crowned Miss Universe Philippines Chelsea Manalo na kapos siya sa maraming bagay nung sumali siya sa pageant.
Wala raw siyang stylist at tinulungan daw siya ng designer friends niya from Bulacan para sa mga isusuot niya sa pageant. Bumili rin daw siya ng mga damit online.
“Wala akong stylist. It was also Kuya Manny (Halasan). May mga damit din siya na he could try to make for me, ‘yun lang ‘yung ginagamit ko.
“There are also Bulacan designers who were there to support me kasi the eagerness for me to join. Sabi nila ‘we’re gonna support you no matter what happens.’ So I also wanna commend Sir Cocoy Lizaso for lending some dresses to me.
“There are days na nahihirapan ka na maghanap ng dress. It also led to a time na ‘yung mga online selling, bumibili na rin ako. It was just really my mom and dad, my designer, Bulacan makeup artist team, Kuya Harold. It’s all just me. It’s hard honestly,” sey ni Chelsea na kinabog ang 52 candidates para sa title na Miss Universe Philippines at lalaban siya sa Miss Universe pageant in Mexico sa November.
Jo, biktima ng mga pekeng account!
Biktima na rin ng fake X accounts ang bida ng Lilet Matias: Attorney-At-Law na si Jo Berry.
Itinanggi niya na siya ang nasa likod ng X accounts na may pangalang Lilet Matias. Sa Instagram stories, nilinaw ni Jo na hindi siya ang humahawak sa accounts na may username na @AttyLiletMatias at @juanderpet_. Ang dalawang account ay may pangalang ‘Atty. Lilet Matias.’
“Hindi po sa akin ang mga account nato!” paglilinaw ng Kapuso actress.
Sa official X account niya na may username na @thejoberry_, nilinaw niya rin sa Kapamilya actress na si Maris Racal na hindi siya ang nasa likod ng naunang nabanggit na account.
May post kasi ang @AttyLiletMatias kung saan makikita ang litrato nina Jo at Maris at may caption na: “With @MissMarisRacal. It’s so nice to finally meet you, Irene. I’m a fan of Can’t Buy Me Love.”
Ni-retweet ito ni Maris at sinabing, “Atty Lilet, nice to meet you! bat mo naman inedit mukha ko. pero hi po!”
Mabilis na nag-reply si Jo kay Maris sa opisyal niyang X account na “Hi hindi akin account yan hehe.”
sakit ni celine, inaabangan sa dokyu
Marami na ang nag-aabang sa documentary ni Canadian singer Celine Dion na I Am: Celine Dion na tungkol sa pakikipaglaban niya sa Stiff Person Syndrome since 2022.
Sa trailer na inilabas ng Prime Video, ipinakita ang pagiging emosyonal ng legendary singer kaugnay ng kanyang pinagdadaanan na “very rare neurological disorder.”
Ayon kay Celine: “I wasn’t ready to say anything before, but I’m ready now.”
Kasama sa docu ang footage ng gamot na kanyang iniinom at physical therapy. Masakit din daw sa loob nito ang pagkansela ng concert tour niya dahil sa sakit niya.
“I miss it so much. The people. I miss them. If I can’t run, I’ll walk, if I can’t walk, I’ll crawl. I won’t stop,” sey ni Celine na sa June 25 na ipapalabas sa Prime Video ang I Am Celine Dion.