Nagsalita na si Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo tungkol sa pagkawala niya sa daily variety show ng GMA na TiktoClock.
May bulung-bulungan na na-insecure raw ito sa co-host na si Faith da Silva. Pero pinabulaanan ito ni Rabiya dahil close sila nito. Mas mag-concentrate raw siya sa pag-host sa mga regional pageants at sa acting.
“In terms of hosting, ‘yun nga po, with a heavy heart, katatapos lang po ng kontrata ko with TiktoClock. I’m very blessed for that exposure. Ako, I’m so proud of TiktoClock, nami-miss ko na rin po, actually, ‘yung mga co-host ko doon. Pero ganun talaga ang buhay, may mga desisyon, may mga path na nag-e-end. However, sana po in the future, mag-meet ulit kami,” sey ni Rabiya.
Masaya naman niyang binalita na may special role siya sa GMA epicserye na Pulang Araw. Ito ang ikatlong teleserye niya after Royal Blood at Makiling.
“Hindi ko pa po mase-share ang role ko kasi it’s a surprise. Pero bilang isang Pilipino po, nakaka-proud na somehow feeling ko nabalik din ako sa 1930 era.
“Ngayon, tina-try ko naman po ‘yung mga heavy drama, iyakan talaga. Siyempre, it takes a lot of practice. Kahit bago ko pa lang siya ginagawa, napamahal na po ako sa kanya. I’m willing to learn. Sana po mabigyan tayo ng role na mabibigyan ko rin ng justice.
Taylor Swift, siningit ang date sa Lake Como
After ng four days na pag-perform ni Taylor Swift sa The Eras Tour sa Paris, nag-timeout muna ito kasama ang boyfriend na si Travis Kelce sa Lake Como in Italy.
Namataan ang dalawa na magkaakbay habang namamasyal sa Lake Como. Nakita rin silang nag-dinner sa isang kilalang restaurant doon.
Sunod na stopover ng tour ni Taylor ay sa Stockholm, Sweden. Bilang pag-welcome sa Fortnight singer, tinatawag ngayon ang Stockholm na “Swiftholm.”
Ayon sa Billboard, ang latest hit album ni Taylor na The Tortured Poets Department is “the most-streamed album ever. All 31 tracks on the album had been streamed 891.37 million times. Swift also set a record for most vinyl sales, with 859,000 sold.”