Paolo nagmatigas sa ‘no comment’

Paolo Contis at Yen Santos

Napabilib ako ng alaga kong si Paolo Contis sa kanyang ‘no comment’ sa intrigang pinupukol sa kanya dahil lang binura ni Yen Santos ang isang post niya sa aktor.

Mas mabuti ngang tiklop ang bibig ni Paolo para wala nang masabi ang bashers.

Kasi kung magsasalita siya, tiyak na may masasabi na naman ang iba.

Alam mo naman ngayon sa social media, parang lahat ng tao, may power o may karapatan na magbigay ng opinion, na parang kilalang-kilala nila ang mga artista.

Paulit-ulit nga raw ang no comment ni Paolo sa mga nag-interview sa kanya sa premiere night ng pelikula nilang Fuschia Libre.

Hindi nga naman makatarungan na bulatlatin ang kanyang personal na buhay sa social media.

Iba-iba ang mga artista, merong gustong pag-usapan ang lovelife at me­ron din namang gustong maging pribado ang kanilang usapin sa karelasyon.

Kaya respetuhin natin ‘yun.

Kung anong gusto nila, hayaan natin.

Buhay nila ‘yun noh.

Hahaha. Babu.

Show comments