Tahimik pa rin si Paolo Contis tungkol sa hindi magandang usap-usapan sa relasyon nila ng aktres na si Yen Santos.
Deleted na raw kasi ang lahat ng photos niya sa Instagram ni Yen. In-unfollow rin siya ni Yen at iba pang nagfa-follow sa kanya.
Nung premiere ng pelikula ni Paolo na Fuchsia Libre, panay “No comment!” ang sagot ng aktor sa mga nagtatanong sa kanya.
Dagdag na sagot niya: “As I always say, masyado na kayong may alam sa buhay ko so I’d like to keep my personal life personal.”
Pina-follow pa rin niya si Yen sa IG. Hindi rin niya dine-delete ang photos nila.
Arjo, may misyon kay Juday!
Nagsimula na mag-taping si Judy Ann Santos ng pelikulang The Bagman na magsisilbing teleserye comeback niya sa ABS-CBN.
Makakasama ni Juday sa serye ay sina Arjo Atayde and John Arcilla. Gaganap bilang presidente ng Pilipinas si Juday.
The Bag Man is co-produced by ABS-CBN International Productions Inc, Nathan Studios Inc, Rein Entertainment, and Dreamscape Entertainment.
Nanalo si Atayde bilang best actor sa 2020 Asian Academy Creative Awards para sa original Bagman.
Sa bagong season ng Bagman, convicted prisoner na si Benjo Malaya (Atayde), at meron siyang bagong mission na involved ang presidente ng Pilipinas.