Ganda ng Atok, nakuha ng WMH

Binulabog ng cast ng pelikulang When Magic Hurts ang Pacific Mall sa Cabanatuan, Nueva Ecija last Sunday led by the lead cast Beaver Magtala, Mutya Orquia, Maxine Trinidad, Dennis Padilla, at Optimum Star Claudine Barretto nang magkaroon ito ng premiere night sa tatlong sinehan sa mall.

Puring-puri ni Filipina Magtalas ang mga artista lalo na si Claudine na very cooperative raw sa promotions ng movie na showing sa sinehan sa May 22.

Nakatabi namin sa upuan ang father ni Beaver na si Konsehal Alvin Magtalas na enjoy na enjoy sa reactions ng tao kahit ilang beses na niya itong napanood.

Guest ang Marites University hosts na kabilang ang inyong lingkod kasama sia Ambet Nabus, Rose Garcia, at Mr. Fu na nagsilbing hosts bago ang premiere night.

Photogenic si Beaver sa movie at may ibubuga rin sa aktingan. Magagaling din ang ibang cast gaya nina Claudine at Dennis.

Ipinirinig din ni Beaver ang boses  niya dahil siya ang kumanta ng theme song na Got To Believe In Magic.

Sa interview namin sa main cast, ibinuking ni Maxine na may resibo siyang video sa sweetness nina Beaver at Mutya dahil madalas silang magkasama sa shopping at iniiwan siya!

Show comments