Nagkomento sa ginawa ni Bea...Boy Abunda, nangangapa sa kalagayan ni Kris

Boy Abunda

Haharap sa panibagong challenge ang King of Talk, Boy Abunda.

Bukod sa daily talk show na Fast Talk with Boy Abunda, mapapanood na rin siya sa My Mother, My Story.

Mag-uumpisa na itong mapanood sa May 12, Mother’s Day.

Ikukuwento ni Kuya Boy sa programa ang buhay ng mga kilalang tao sa  kanilang relasyon sa mga ina nila.

Ipapalabas ang programa tuwing ikalawang Linggo ng buwan hanggang Oktubre 2024.

Para sa pilot episode ng palabas, itatampok ni Kuya Boy si Luis Manzano.

Magkasama nilang aalalahanin ang masasayang sandali ni Luis at ni Star for All Seasons Ms. Vilma Santos.

Pero sa likod ng kanilang closeness at tawanan, paano nila nadiskubre ang mga puzzle sa buhay nang magkasama?

“It’s very personal to me the emotional and revealing conversations with celebrities tungkol sa kanilang mga relasyon sa kanilang ina,” umpisa ni Kuya Boy na kila­lang maka-ina.

“Ibabahagi nila kung paano sila pinalaki ng kanilang magulang, paano itinaguyod, paano nasaktan, paano naging masaya sa buhay, paanong tinuruan magmahal at paanong hindi natuto magmahal. Pag-uusapan namin lahat ng mahahalagang karanasan na humubog sa kanilang pagkatao,” dagdag na paliwanag pa ni Kuya Boy tungkol sa programa na hanggang ngayon ay tinutu­ring pa rin niyang andyan si Nanay Lesing na pumanaw sa edad na 90 noong 2019.

Sinisiguro ng award-winning TV host na makaka-relate ang mga manonood sa My Mother, My Story, at marami silang matutunan.

Tulad kung paano sila maging matatag, independent, at mapagmahal dahil sa kanilang mga ina.

 “This is about us and our mothers. Makaka-relate tayo dahil lahat tayo ay anak. Proud kami sa proyektong ito. I had this concept a long time ago and we’re putting this together para sa inyong lahat.”

When asked about the same thing, Tito Boy shares that he learned to trust himself because of his mother, aniya : “Hanggang ngayon ang lakas ng loob ko dahil sa nanay ko. Nung bata ako, tuwing sasali ako sa mga amateur singing or declamation contest, sinasabi ng nanay bago pa magsimula na’you are my winner.’ Paano naman ako matatalo eh para sa nanay ko ako ang panalo,” banggit ni Kuya Boy sa ginanap na mediacon ng My Mother, My Story the other night.

Samantala, sa nasabing mediacon ay natanong din si Kuya Boy kung kumusta na si Kris Aquino na ang huling interview ay napanood sa Fast Talk : “Nagkakausap but very careful. Because remember ang huli naming pag-uusap, she was going to go through a six months… parang isolation so nangangapa ako. Pero nagmi-message ako. Nagte-text ako kay Bimb, nagte-text ako kay Alvin (assistant ni Kris) once in a while, nangungumusta. But I really every night, I pray for her. I pray for her health. I pray for Kris.”

 Pero kumusta na si Joshua (na andito na sa Pilipinas)?

“Hindi ko alam. Ang ka-contact ko si Bimb, who would greet me once in a while kung anuman ang… St. Patrick’s Day, ‘yung mga Thanksgiving whatever, New Year, Christmas, Valentine.”

Samantala, nahingan din namin ng reaction si tito Boy sa ginawang demanda ni Bea Alonzo kina tita Cristy Fermin and Ogie Diaz na cyber libel.

Maaalalang nagpahayag ng pagkadismaya sina Bea at Dominic Roque sa ibang tao na nagkumpirma ng kanilang breakup bago pa sila naglabas ng official statement.

Si Kuya Boy ang unang nagkumpirma sa kanilang breakup bago pa nag­labas ng statement ang dating magkarelasyon.

 “My intention was primarily to appeal for kindness. Kasi, during that time, ‘di ba, this is how far I’ll go. ‘Di ba, during that time, they are talking about how it didn’t work because the previous relationship didn’t work. Dominic was being called names, etcetera. Parang to me, it was getting to the level of... it was nasty. Parang pwede ka naman magkomentaryo, pwede ka naman mag-opinyon, pwede naman tayo mag-disagree, but parang just a line that I thought was being crossed during that time. Kaya ako nakiusap sa audience. May nakiusap ba sa akin? Nakiusap ba sa akin si Bea, or kaya si Dominic na mag-appeal? Hindi, ako lang ‘yon. Ako lang ‘yon,” pahayag niya sa kanyang ginawa.

Kahit anong gawin mo naman may reaksyon ang mga tao?

“That’s fine. With humility, I’m fine. ‘Yun ang mundo natin. Sabi ko nga kanina, it’s territorial. Bahagi ‘yan ng ating mundo. May matutuwa, may makakaunawa, may hindi makakaunawa, may mga bagay na ipaglalaban ka. Pero timing is very important. Sabi ko nga I am uncomfortable talking about this because I am not part of that issue now,” na ang tinutukoy niya ay ang demanda ngang cyber libel ni Bea kina Nay Cristy and Ogie.

Show comments