Child actor, biglang bida sa Netflix movie

Euwenn Mikaell
STAR/File

Thankful ang award-winning child actor na si Euwenn Mikaell sa mga mahuhusay na aktor na nakatrabaho niya sa bagong pelikula na mapapanood soon sa Netflix.

Sa last day ng shooting para sa pelikulang ito, ipinarating ni Euwenn sa co-stars na sina Baron Geisler at Jake Cuenca kung gaano siya nag-enjoy na makasama ang mga ito.

Dagdag pa ni Euwenn, marami siyang natutunan sa dalawang aktor, na naging mga kuya na niya sa set.

Samantala, patuloy na sumasalang sa taping si Euwenn para sa unang seryeng pagbibidahan sa GMA, ang Forever Young.

Sa upcoming inspirational drama series na ito, makikilala si Euwenn bilang Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 1-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.

Show comments