Star Magic Hotties, pinasilip ang transformation journey

Ibibida ng Star Magic ang mga transformation ng mga Star Magic hotties para sa mas healthy at masayang pamumuhay sa Hot Summer 2024 sa Mayo 15 live mula sa Laiya, San Juan, Batangas.

Sasabak ang mga Star Magic artist na sina Jameson Blake, Aljon Mendoza, Anji Salvacion, Kaori Oinuma, Gabb Birkin, Zach Guerrero, Kobie Brown, Reiven Umali, Lance Carr, Maxine Trinidad, Dalia Varde, Cj Navato, Thamara Alexandria, Rob Blackburn, Shanaia Gomez, Joao Constancia, at JM De Guzman sa physical and mental transformation, tulad ng trainings at diets, upang magkaroon ng mas malusog na pamumuhay at makamit ang kanilang body goals.

Mapapanood ang sneak peeks ng kanilang transformation journey bago ang big reveal sa Mayo 15, na may livestream mula sa Laiya, San Juan, Batangas sa YouTube channel ng Star Magic.

Dadaluhan din ng Nation’s Girl Group BINI ang Hot Summer 2024 na magpe-perform ng kanilang hit song na Pantropiko.

Kasama rin sina Jake Cuenca, Barbie Imperial, at Chie Filomeno bilang Hot Summer Ambassadors.

Show comments