Catriona, nilamon si Anne Hathaway!

Ang bongga naman ni Miss Universe 2018 na si Catriona Gray na nakipagchikahan sa Hollywood actors na sina Anne Hathaway at Nicholas Galitzine.

Na-interview ng karelasyon ni Sam Milby ang dalawa tungkol sa pelikula ng mga itong The Idea Of You.

Binahagi ng beauty queen ang isang video kung saan ginawa niya ang online interview at pinag-usapan ang pelikula.

Proud na proud nga ang mga kababayan natin sa pag-represent niya sa mga Pinoy. Lutang daw kasi ang galing nito sa pagsasalita.

Biro nga ng netizens ay kinabahan sila para sa mga ini-interview nito dahil pang-Miss U ang mga tanungan niya.

Parang na-shock pa nga raw ang Hollywood actress sa tanong niya na “Anne, how do you feel about your character Solene or the movie itself speaks to women who may resonate with those types of feelings?”.

Kahit pa nga raw siya ang nag-i-interview ay tila nanlalamon pa rin ito ng mic na hindi na bago.

Bongga naman kasi talaga ang pagka-eloquent ni Catriona at tinawag siya ng mga tagahanga na “Greatest MU we ever had.”

Pero patikim pa lang ang nasabing video dahil ilalabas din nila ang full interview kaya naman abang na abang ang mga kaibigan at tagahanga niya. Excited daw talaga silang mapanood si Catriona na inaasahan nilang ‘di tayo papahiyain.

Show comments