Young actress, nagtitiis sa pagka-waley sa pag-arte ng aktor!

Nagtitiis lang pala ang isang sikat na young actress na leading lady na ang status sa ipinapareha sa kanyang male star.

Eh between na young actress and the male star, ‘di hamak na magaling umarte ang una na napatuyan na sa kanyang past acting awards. Pero si male star, kahit medyo matagal na sa showbiz eh wala pa ring buhay umarte, huh!

Kaya nga kung minsan, kapag may eksena silang dalawa na kailangan ng matinding acting, nagtitiis na lang si young actress kapag hindi agad makaarte ng gusto ng director si male star.

Kaya kapag nagkakausap silang dalawa, binibiro ni aktres si male star at binubulungan ng, “Mag-workshop ka naman!”

Nangingiti na lang si male star at nangako na gaga­lingan sa susunod nilang pagsasama sa project!

Kaibigan Kong Alien..., Ilalabas na!

Ngayong araw na ito ang book launch ng Si Gren At Ang Kaibigan Kong Alien na base sa ongoing GMA series na My Guardian Alien ni Marian Rivera.

Pupunta sa launching sina Marian, Gabby Concepcion at lumabas na anak nilang si Raphael Landicho.

Magaganap ang book launching sa Main Stage ng World Trade Center ng 12 noon hanggang 1 p.m.

Show comments