Heart, chill chill muna sa pagpipinta

Heart

MANILA, Philippines — Team Bahay daw muna si Heart Evangelista.

Hindi muna raw ito aalis ng bansa.

Sa June na raw ulit ito pupunta ng Europe para sa Paris Fashion Week.

Pero hindi naman porke Team Bahay ay nasa bahay lang ito.

Marami raw itong mga endorsement shoot at sa May ay pupunta ito ng Singapore.

At busy rin daw ito sa pagpipinta lately sa bahay.

Ang dami na raw kasi nitong client, hindi na lang friends ni Sen. Chiz Escudero.

In all fairness, umaabot na raw sa P2 million ang benta nito sa isang pinta.

Ang lakas daw ng demand ng mga painting ni Heart, sa totoo lang.

Anyway, iba rin ang interest ng followers ‘pag nasa mga fashion week sa Europe si Heart.

Parang mas exciting, mas controversial at interesting.

‘Pag wala siya, parang tahimik lang ang social media at walang kontrobersya.

Saka siguro chill muna si Heart sa rami ng nirampahan niya last few months.

Show comments