Mga pagkain sa labas, mas masarap

Lolit Solis

Dahil PG ang peg ko, wait talaga ako sa mga nangangakong magbibigay sa akin ng pagkain.

Spoiled ako sa rasyon ng masasarap na pagkain ng mga friends kong rich na non showbiz.

Feeling ko nga sarap magkasakit dahil panay padala ng mga food ng mababait kong friends. Talagang waiting ako dahil alam mo naman hindi marunong magluto si Mel (kasama ko sa bahay) at iyon mga pagkain outside lang ang talagang enjoy ko dahil masarap di ba !

At dahil meron naman kaming mga lunch meeting paminsan-minsa, kaya oorder ako ng mga food na type ko para makabawi ulit.

Kaloka talaga ang beauty ko na kung minsan PG at kung minsan naman ayaw kumain dahil parang nag throw up ako pag nakakita ng food.

Maarte na talaga ang pakiramdam ko kaya kahit sa bahay pini-feel ko muna pakiramdam ko bago ako lumabas kasi nga bigla kung sumumpong ang sama ng katawan ko.

Bigla na lang feeling weak ako, kaya pili na ang pag rampa ko sa labas. Kahit pa nga kung minsan bored na bored na ako, pero ayoko naman sa labas ako abutin ng sama ng katawan.

Show comments